The Rants thread (for all your ranting needs.)

1568101141

Comments

  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    Ayala station lng pos sakay bus punta baclaran pos baba ka evangelista jolibee pos sunduin kita dun :)
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Hmmmm... nagiisip ako bumisita jan one of these days sa OG @arwin kahit ako lang tutal di naman ganun kalayuan sa aking pag galing ako bahay. hehehe pero ayusin ko muna sked ko itaon ko sya na walei ako pasok :P.
  • arwin0609arwin0609 Posts: 984
    Sige pareng ds para ma meet mo si owen
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    DS bihinmo sakin kung kelan mo balak sama din ako kita na lang tayo sa mrt tama ba?
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Milks gusto mo sa wednesday na! hahaha! ay wait lang 930pm kayu nagbubuhat pareng arwin diba?

    pwede ka ba nun sir milk? baka wala tayu abutan sa "usual hour" ng workout natin eh. gabi daw nagbubuhat ung "sensei" ni pareng arwin eh hehehe.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    oks koya braso, pag naiset namin ni sir milks text ka namin agad sir hehehe.
  • Sayang ang fibrella! Haha. Bloopers

    Short rant. 3 gyms na dinaanan ko. Lahat SARADO. Hay holiday daw ngayon eh pero pati gym? Di tuloy makapagbuhat.

    ganun? kahit sa mga bakal gym sarado? buti nlng pla dito sa bakal gym sa amin bukas.. or else kakalampagin ko yung may ari ng gym sa gate nyahahahaha:tongue: san ka ba nakatira? sardo ba gym sa may up village? or sa loob ng UP hostel...try mo sa fairview manggahan...
    red wrote:
    Isang maulan na Huwebes!

    Habang maulan at malamig ang panahon, maganda ang gising ko at naisipang magpaka iba sa normal na ginagawa ng tao kapag maulan ... "mag gym na lang ako, konting arms lang, para pagpawisan nadin" ...kaya kahit maulan, sige..alis padin ..at pag dating sa gym ...sarap! konti ng tao ..lima lang ...at nangyare na ang bagay na sobrang nakaka asar at nakaka tawa

    Lagyan natin ng title ang araw na to...

    Title: "[size=large]The EmoBoy and the 100lbs BP[/size]"

    Eksena sa Gym ...

    Pasok si lalake, naka cap na pang gangster, naka salamin na pang araw kahit maulan, naka black and white na long sleeves, naka black pants at sapatos na black and white din..

    PT: "parang may sayaw si kuya" < sabi ng PT sakin ..natawa na lang ako...

    at dahil sa konti lang ang tao, ay napagmasdan ko ang galaw ni koya...walang WU2x ..di ata uso sa kanya yun..deretso siya sa flat bench, dampot ng 2x40 na plates ..buhat!!! ok naman hehe ..dagdag 20lbs ...ok padin..dagdag ulit 20lbs ..total of 80lbs na ..nagpa spot sa PT ...naka 5 reps ata ... after nun...tagal niya natigil, at nagulat ako...ginawa niyang 100lbs yung i-BP niya...pero ang tagal niya bago sinimulan, puro amba lang...mga 15mins na siya naka tunganga ..nilapitan ko na ..sabi ko, "sir spot?" ...agad siya sumagot ng "oo sir, thanks kanina pa ako naghihintay, nahihiya lang ako" ...edi pwesto na ako ..eto na ...lift siya ..nung naitaas na niya, nag sabi siya ng "ambigat" edi dinikit ko lang yung daliri ko kung kaya pa, maya2...ang tarantado, binitawan na!!!..meaning, sakin napunta lahat yung 100lbs at hindi ko expected na ganun ...bullshit dahil nahirapan ako ...at baka bumagsak sa mukha nia yun!!

    after ...nag thank you naman siya ..sabay sabi ng "akala ko kasi 80lbs lang"
    sa loob2 ko ..tadow ka pala e...kanina naka 80 kana ..nagdagdag kapa

    lumayo na ako ...lumapit samin, nag tanong kung matagal na ako nagbubuhat ..sabi ko.."5 weeks, baguhan lang sir"
    then nag tanong siya ng tanong na hindi ko alam kung san niya napulot ...
    "sir, nakaka puti ang pag ggym no?" - ako ...natigil ...at napa smile na lang ..

    at ang huli niang ginawang super badtrip ay....

    dumampot ng payong nung umalis na ...pero wala siyang payong!
    at ang nadampot niya ...ay yung PAYONG KO!!! TAENA TALAGA NI SIR!
    nag check ako ng log ng gym ...siya lang ang nag out ..

    potah ..basa2 tuloy ako pauwi!

    [size=xx-large]BADTRIP!!!!!!!!!! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr[/size]

    wahahaha nakaputi pala yung pag gygym?!!!!:tongue:
    payong-napper pla si kuya :twitcy:
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    naku di ako pwede ng gabi DS kam mo naman magaglit si misis wala sya kasama ngayun sa shop. kung maari nga mas maaga pa dapat ako pupunta mga 3pm siguro nandun na.
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Hmmmm ask natin si pareng arwin. kung anu ang posibleng oras hehehe. Paging arwin... Yuhooo! :P
  • Meron sa UP hostel? Sa chk ako nagbubuhat bro. Nagtry ako sa may kamias at sa matalino sarado pareho.
  • Meron sa UP hostel? Sa chk ako nagbubuhat bro. Nagtry ako sa may kamias at sa matalino sarado pareho.

    oo meron gym sa loob ng hotel yung malapit sa swimming pool....sa basement ng hotel yung gym, nakalimutan ko kung magkano per session..... sa phys bldg sa baba may nakita ako mga gym equipments hindi ko lang alam kung pwede for students.....sayang dati meron sa philcoa kya lang nagsarado na... ano oras ka nagbubuhat sa chk? kadlasan pag regular sem after 5 pm daw maluwag na gym kc no more class... pag gusto mo tlga mag gym, may gym along commonwealth malapit sa may diliman prep katabi ng puregold jr, meron din sa likod ng shopwise commonwealth... nakapunta ka pla ng kamias sana tumuloy ka na papunta cubao... may mga gym dun suigurado bukas hi tense gym along 12th ave sa tabi ng sm cubao at meron din malapit sa mercury drug aurora,, tara gym naman sa 20th ave
  • Lol sa teachers village kasi ako nagstay ngayon. Kaya di na ako lumayo dito. And dami mo pala alam na gym. Hehe. Sa chk nagbubuhat ako mga 2:30. Onti lang naman nagbubuhat ng mabigat dun. Halos kami kami lang ng mga PL at varsity athletes gumagamit ng oly bar kaya di naman kami nawawalan ng equips. Bukas nalang ako magbuhat. Pero salamat sa suggestions.
  • Lol sa teachers village kasi ako nagstay ngayon. Kaya di na ako lumayo dito. And dami mo pala alam na gym. Hehe. Sa chk nagbubuhat ako mga 2:30. Onti lang naman nagbubuhat ng mabigat dun. Halos kami kami lang ng mga PL at varsity athletes gumagamit ng oly bar kaya di naman kami nawawalan ng equips. Bukas nalang ako magbuhat. Pero salamat sa suggestions.

    ah ok.. yun kc suggestion nung mama na natanungan ko dun sa CHK na sa hapon daw maluwag magbuhat kc masungit daw mga prof pag may nagbubuhat na hindi kasama sa class nila....pero yung part ng weights gym na una mo makikita pa pasok mo bihira lang daw gumagamit nun kya pwede ko gamitn.....5 am kc ako gym dito sa bakal gym sa amin... try ko next sem kc may vacant ako pag wed ng 10-4 am.. parang ayaw ko umuwi pag ganun kc sayang sa gas
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    @red

    lol kabadtrip un, kaya ako maya't maya tingin ko sa payong madali lang ksaing nenokin!
  • redred Posts: 753
    @xbrain - haha ..buti na lang hindi fibrella =) tag 100php lang un haha sulit nadin kahit papano...

    @jared - mismo ... lumalabas lang daw sila pag maulan

    @sir monching - haha yang ang aral na napulot ko lols ...

    btw, buti na lang dun sa bakal gym dito sa ortigas extension ...bukas! kaso?????? SOBRANG DAMI NG TAO!!!
    parang MEGAMALL na may 3D SALE!! buti na lang ... puro arms sila lols ... nakapg squat ako ng maayos hihi
  • BraSoBraSo Posts: 785
    ^mag ingat kase sa mga naka black & white na outfit.. hahaha!

    sa MH ba yan? oo nga, madami ako nakikita dun, nag bi-biceps muna bago mag chest or back.. bihira ako makakita nag le-legs dun. hahaha! kita kits next week.. paalis kami subic maya konti kaya hindi ako maka buhat today.
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Mini Rant.

    Kanina, eksena sa jeep.

    May 5'5"-5'7" na college student, nasa 250lbs ata. Malaki siya, medyo bading ata.
    Tapos may manong na sumakay sa harap ng jeep, last hit sa yosi bago tinapon. Tapos yung huling buga niya ng malaking usok eh pumasok sa loob ng jeep, dahil umuulan, medyo nag tagal sa loob ng jeep ang usok.

    Biglang sigaw ng lalake: Manong! Bawal mag sigarliyo sa pampubliko na sasakyan! Pakitapon!

    Ayun wala lang kay manong kasi na tapon na nga niya yung yosi. Eh si lalake eh biglang kinausap yung katabi sa jeep, humihingi ata ng approval o recognition sa ginawa niya. Hahaha.

    Kung tutuusin eh mali nga si manong. Kaso ang problema ko eh si lalake ay may bote ng Zagu kahit malamig sa kaliwang kamay, pandan flavor at supot ng smidgets. Ok lang na magreklamo kung talagang concern ka sa katawan mo, eh di eh. Nag pipicninc pa siya sa loob ng jeep! Hahaha.

    Tao nga naman, galing pumuna sa ibang tao pero ayaw tingnan ang sarili.
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ahahah! dapat sinabi mo "takot kang mamatay sa usok ng sigarilyo pero okay lang sayong takihin ng highblood at ma stroke sa pinag kakain mo" lol!
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    2 training consecutive training days I've encountered people hogging the equipments. Kanina muntik ko na sabihin "Sige iyo na, gusto mo isaksak ko pa sa baga mo?!"

    Yan ang malaking kaibahan ng commercial gyms sa bakal gyms based on my experience.
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    aw. hehe parang ayoko na mag SWI. plano ko sana incase na mapunta ulit ako ng sm north. :lol
  • BraSoBraSo Posts: 785
    rant 1:
    wala na akong makitang nescafe strong and rich sa mga supermarket!!! (SM, Robinsons, Shopwise, Mini Stop, Budgetlane, mercury at palengke)

    rant 2:
    wala na akong makita buy 1 take 1 na extra joss grape!

    rant 3:
    wala nang gnc fish oils na binibili ko sa local gnc shop. sa on-line nalang daw pwede maka bili.
  • haha about yung sa strong and rich oo nga koya braso wala na din ako makita kaya napashift tuloy ako sa kopiko na strong coffee though i like the way nescafe tastes :(
  • hayyyy halos lahat ng magaganda may boyfriend kakabadtrip!
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    hoy skillz tagal mo nawala ah! ahaha! yaan mo pre marami pa jang iba....na may boyfriend nyahaha jke
    ang manok mas madaling hulihin pag nakatali na bwahahha!
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    Kyzack wrote:
    hoy skillz tagal mo nawala ah! ahaha! yaan mo pre marami pa jang iba....na may boyfriend nyahaha jke
    ang manok mas madaling hulihin pag nakatali na bwahahha!

    haha ^agree.. pareho tayo ng pananaw sir Kyzack..haha
  • BraSoBraSo Posts: 785
    ^ikaw na maging kamukha ni coco martin... the BB version :)
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    BraSo wrote:
    ^ikaw na maging kamukha ni coco martin... the BB version :)

    haha sino sir?
  • ikaw na lang jc ang hindi nakakakilala kay coco martin ng pbb
  • BraSoBraSo Posts: 785
    zjih5c.jpg

    nuff said... kayu na ni sir donbuh ang showbiz ng pbb

    *****

    amp! arwin.. pano ka naging invi???
  • nanjan lang ako sa tabi tabi koya braso hehehe binabasa ko pa yung pm nyo harharharhar
Sign In or Register to comment.