Cheap grocery list for bulking.
miguel
Posts: 895
gimme some idea lang mga papa, yung cheap lang kasi student palang ako. i know some foods to buy pero masmaganda din kung may malalaman din ako sa ibang mga tao. yih! :sport:
Comments
Taho sa umaga kasabay sa itlog almusal
siempre itlog din..kung isda mura Tuna in Lata..lol
CARBS: Rice at pandesal at pasta or noodles
Veggies and Fruits kahit ano,bulking ka eh kahit matamis pa yn
matanong ko lang, may personal journal kana ba sa site? gawa ka sir para makita din ng ibang members,
ako bulking -
baby potatoes, chicken breast, bran cereal, yoghurt, steam veggies carrots,asparagus,baby spinach, itlog xl, greenpeas, brown rice organic,
Linis pala talaga ng pangbulk mo paps.
ngayon lang yan, mag photoshoot kase ako for setcard, lol
salamat paps. natawa ko sa reaction mo tungkol sa beef hahaha
ok fafa salamat sa iyong mga advice! hehe magkano ba chicken breast sa grocery ngayon?
mahal ang brown rice papa student lang ako eh. ang need ko yung mga cheap lang muna haha. thanks!
ngayon ko lang nalaman may brown rice pala sa palengke hahaha salamat sir!
isa pang tanong, pag bulking, paano ang timing ng kain? kasi payat ako, wala muna ako pake kung magkakaron ako ng love handles kasi nagpapalaki palang ako sakana ko magcut.
nasasayo naman yan, pag nagutom ka kain lang,
Hindi naman halos nagkakalayo ang mga kinakaen for bulking. Hanap ka lang ng mga affordale brands na ok pa din ang quality.
Halimbawa sa oats, dati quaker ako pero nung nakita ko yung SM Bonus pinatos ko na haha.
Quaker instant oats
200g = P30+
Yung sumunod na mas malaki nasa more or less 60 ata.
SM Bonus instant oats
500g =40+
SM Bonus Peanut butter
425g = wala pa atang P90
Malaki na yan at masarap pa siya kaysa dun sa Lily's.
Wheat bread may mura din, nasa P54 lang yung malaki compared sa gardenia na nasa P70+. Nakalimutan ko yung brand basta sa SM Mega ko nakita kulay green yung packaging.
Sa milk powder naman Birch tree or cowhead ako, may nakita ako mas mura 500g nasa 100+ lang, Sunny boy yata tatak LOL.
Itlog mas mura sa palengke.
Sa amin 3 for P15, 3 for P16 at meron yung xtra large 6 pesos isa.
Isda - Tilapia at tuna lang ako haha.
Brown rice - Farmer's choice 5kg = P204 (Sobrang mura parang P40/kg)
Ewan ko lang kung san pa meron niyan pero sa super 8 namin binibili yan.
Sa whey wag ka bibili ng 1 or 2 lbs. 5lbs agad or kung kaya mo yung 10lbs na. Or mag PM7 ka.
Mahirap sa una, ipon ipon lang talaga. Take advantage mo na lang kung ano din ang mayroon sa inyo.
Uy oks to ah! May listahan na ako for next year's bulk! Galing!
ayos! maraming salamat sa detailed na list! kaso dko pa kaya talaga mag whey di kaya ng baon ko haha. salamat fafs allen! :sport:sakto may birch tree na binili si mama! haha:biggrin:
@monch - tnx papa!
P87.50 / 425g to be exact not 114.
Sobrang mura at masarap. (Para akong binayaran ng SM kung maka endorse haha)
May dalawang mas maliit pa..
peanuts ok din...
30g peanut:
P: 8.2g
C: 9.0g
F: 11.5 (saturated fat: 2.6g)
Cholesterol: 0g
starting today, mag 150g ako ng peanut every other day. pandagdag din ito sa protein macro hehehe...
1kg of peanut na hubad = 60
canola oil 50-70ml = 35
sugar = 40
bayad sa gilingan = 30
total - 165 meron ka ng 1000G ng peanut butter..
Nakaka bili din ako dito saamin ng egg white's lng kasi may mga gumagawa ng leche flan.. I buy 200-500ml = 100 peso ok. Minsan duck egg white's ok lng ba yun..
yung madalas ina-arthritis ingat nalang..:sport:
okay to bro! salamat!
Naalala ko dati nung pinadala ako ng boss ko sa germany 2 yrs ago, ang isang 1L ng gatas is around 30pesos lng doon. How i wish ganoon din kamura sa pinas ang gatas hehe... Pag ganoon siguro ang nangyari daming maggo gomad hehe
sir sn m bnbili yang cowhead n yn? powder b yn? prang ngaun ko lng nrinig yan. mhilig kse aq s cowhead eh.