New Recruit

Hello.

Baguhan sa PBB. Pero ilang years na rin akong nagwoworkout. Pero with minimal results.

September 2009 ako nagstart mag-gym. May pera na kasi panggastos hehe.

Ginagawa ko dati is 5x5 lang. Gumamit rin ako ng whey dati. Naka-ubos ako ng 5lbs and I can say na may result naman. Nagkalaman naman ako kahit papano. Pero kulang pa rin haha.

After nun, around May 2011 nag Serious Mass ako. Pero hindi ko rin nakalahati kasi parang lumalaki tiyan ko. Haha. Pinamigay ko na lang.

Ngayon, sumubok ako mag creatine. 1st day ko kahapon, 5 grams. Plan ko 5 grams everyday, wala nang loading. Tapos pag nagkapera uli, pagsabayin ko whey + creatine.

Right now, kumuha ako ng trainer dun sa gym. 1 on 1 training kami. Concentrate kami sa chest, shoulders and back. Okay na raw kasi legs ko kaka-squat ko dati.

Twice a day lang ako nakakakain. 4pm-1am kasi shift ko. 2pm gising tapos pasok agad. Next meal dinner na.

Dinner:
Century Tuna + wheat bread
Water

Midnight snack:
Ulam sa bahay + kanin
Water, milk kung meron

Snacks:
Grower's pag may nabibili

Lumalaki naman ako. Kaso paunti-unti lang kaya nagdecide na rin ako gumamit ng creatine.
Gusto ko kasi gain mass/muscle with as minimal fat as possible. Pa advise naman mga sir. :D

Comments

  • zanezane Posts: 963
    Welcome to PBB!

    If you want better results ser, 2 meals is not enough :D
    madaming pwedeng tumulong sayo dito kung online trainer ang hanap mo, tanong tanong ka lang. imbis na ibayad mo sa trainer ser, pambili mo na lang ng food or whey :Banane22:
  • jagg18jagg18 Posts: 23
    dati wala naman akong trainer. kaso hindi bumibigat buhat ko e. ngayon may spotter na ko. haha. and nagkakalaman laman na rin lalo. pero kulang pa rin hehe.

    kulang nga pagkain ko. pero kasi alanganin yung sked. sana matulungan ng whey + creatine.

    salamat ser.
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    ^
    boss may novela akong sinulat dito may mapupulot kadito kahit konti lang hahaha
    read mo http://pinoybodybuilding.com/forum/Thread-MY-JOURNAL--847?pid=23545#pid23545


    tapos create ka na ng journal mo dito - here
  • jagg18jagg18 Posts: 23
    haha noted ser. maraming salamat. so kain nang marami? pero minimize carbs? ganun ba?
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    ^Sir yung pagkain mo sir napaka konti lunch ko lang lahat yan .... kelangan mo dagdagan if u wana grow

    you have to decide muna bulk kung bulk , cut kung cut ...

    ano po ba wt mo now ? create ka na po ng journal at kung meron pic post nyo na rin po

  • haha merienda ko lang paps yang pag kain mo, work hard, eat more, rest well paps,
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Baka magkapit bahay lang tayo! San ka sa Proj. 6?

    Saan ka nag workout? Sa Mascu ka na rin lang sabay ka samin ni sir milk!

    Seriously bro, if you wann get huge you're not eating enough. Ingesting creatine is not a quick fix to make you big and strong. Bottomline, you got to eat moar!
  • jagg18jagg18 Posts: 23
    Sa may Alley 2 lang ako sir. Road 4 malapit. Sa Shaw ako nagwoworkout kasi 24 hours. Midshift kasi ako e. Nakakatamad bumangon sa umaga. Haha.

    Kulang nga sa pagkain kung magpapalaki ako. Alam ko naman yun. Makulit lang talaga ako hehe. Nalilito lang ako ngayon sa mga bagay bagay.

    Post ko dito link nung journal pag nakagawa na ko.
    jagg18's Journal
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Malapit ka nga lang sakin. Sa eclipse ka pala nag workout bakit di ka magtanong sa mga coach dun? Si Mark Limbaga tanong tanong ka sa kanya ok naman kausap yun at Senior Coach yun dun.
  • jagg18jagg18 Posts: 23
    Sa kanya ako nagtatanong dati sir. Kaso di swak sa sked kasi pang normal shift siya. Kay Albert ako nagpapaturo ngayon.
Sign In or Register to comment.