Hello sa lahat!

Wow, kailangan palang mag-introduce sa sarili. Nway, ako po si Conrad.

2012 nung una akong magbuhat. Around 40 kilos nun. On and off and paggygym ko dahil sa mga responsibilidad bilang estudyante. Ganunpaman, naggain ako ng 10 kilos sa loobs ng isang taon. Talagang nagbago ang physique ko, mula sa patpatin naging hindi na gaanong patpatin. Sa kaunaunahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng normal na BMI.

2013 nang halos nakalimutan ko na ang paggym dahil nahilig ako sa paglangoy at pagtakbo. Nagpatuloy ito hanggang kalahati ng 2014.

Ngayon, nagbabalik gym ulit ako at gusto ko nang iminimize ang paglangoy at pagtakbo ko, hangga't hindi ko pa nakukuha ang gusto kong katawan. Hintai ko sa tatlong phase ang mga goals ko (hehe):

Phase 1: Taeyang

Phase 2: Midway between Taeyang and Mark Striegl (wala maisip na sikat na personality)

Phase 3: Mark Striegl

Sana ma-achieve ko yung Phase 1 by June 2015, bago ang graduation ko (sana).

Andami kong mga kundisyon sa katawan na maaaring maging balakid sa mga goals ko. Unang una ay meron akong GERD na ilang taon ko na ring iniinda. Meron din akong IBS bukod pa sa pagiging lactose intolerant. Iba't ibang gamot na ang ni-take ko para maregulate ang digestive system ko pero irregular pa rin. Dahil sa mga kundisyong ito at napakalmitado lamang ang mga maaari kong kainin. Bukod sa mga ito at mayroon din akong 17 degrees na levoscoliosis, kaya maingat ako sa pagdadagdag ng bigat lalo na sa squats at deadlift.

Nag-sign up ako para magkaroon ng motivation. Minsan kasi nakakatamad pumuntang gym, hehe. Marami rin akong mga tanong na sana may makatulong sakin. Pero sa mga susunod na post na lang.

Kasalukuyan akong 121 lbs, mga 10% bf. Ang target ko ay 135 lbs, 5-7% bf. Marami pa akong bakal na bubuhatin. :sport:

Comments

  • Welcome PO! post na kayo ng workout niyo para maguide na kayo ng mga masters natin
  • Ito po. Ano pong pwede baguhin dito?

    Day 1
    Chest
    bb bench press
    db bench press
    preacher curl with ez bar (or) db curls
    squats (or) deadlift
    db tricep extensions
    calves raise sa leg press machine

    rest

    Day 2
    db seated shoulder press
    bb standing shoulder press
    db incline shoulder press
    wide grip lat pull down (or) narrow grip lat pull down
    seated cable rows (or) one arm db row
    db shrugs

    rest

    Yung may (or), alternate.
    I end every workout with abs exercises - bicycle crunches, leg raises.

    ---

    I'll post my diet din pero bukas na.Thinking about getting a video of my workouts para macheck yung form. Pero after na siguro ng comments about my routine.
  • Sir gawa ka po ng journal wag ka po dito pagpost ng routines and etc. Welcome, sir.BTW sir:
    squat (or) deadlift
    Do the same excercise. Put deadlift on you back day. Kaso ako nahihirapan pag magkasunod ang back day and legs day or vice versa.
  • reinellroi wrote:
    Sir gawa ka po ng journal wag ka po dito pagpost ng routines and etc. Welcome, sir.BTW sir:
    squat (or) deadlift
    Do the same excercise. Put deadlift on you back day. Kaso ako nahihirapan pag magkasunod ang back day and legs day or vice versa.

    I do both, pero not on the same day. Bale sa susunod na cycle ng Day 1 at Day 2. Kasi pag nag-squat ako hindi ko na magawang mag deadlift.
  • welcome brother..
Sign In or Register to comment.