gumagamit ba kayo ng gloves/foam pag nagbubuhat?

1235

Comments

  • kapag naghihilamos tuloy ng mukha para kang nag-sscrub hahaha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Once na mahilig kayo magbuhat, tangapin niyo na isa yan sa mga isasakripisyo niyo.
  • wag mag buhat ng mabigat para nde mag kakalyo, lalo na pulling workouts.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    ^ Pinn dumbells lang paps? hahaha
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Masarap kalyo pag nangangati hita ko yon pang kamot ko
  • uu mga girly weights lang dapat. lagyan mo din ng rubber para malambot.
  • bomsbonbomsbon Posts: 194
    Jettie wrote:
    before I was using a gloves, but then i stop and used a chalk.. a little sacrifice for a big change :)

    san ka sir nakakabili ng chalk? and magkano?

    share ko lang ako dati ginagamit ko yung foam sa manibela ng bike ginugupit ko,pero ngayon dina ako nagamit talaga mas masarap sa pakiramdam e hehe :sport:
  • JettieJettie Posts: 3,763
    sa ensayo gym equips sir :)
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ung borax na pang bilyar saka yang chalk iisa lang ba?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    ^hindi brah.. hehe

    Pampadulas si chalk ng pangbilyar

    Iba yung texture ni gym chalk o Magnesium Carbonate ( as per google ) kumbaga sa exp ko eh drying agent sya.

    Pwede nga ata to sa kili kili eh
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    oh i see. pag nag GWO tayo brah dala ka naman chalk pa experience lang
  • JettieJettie Posts: 3,763
    oo bah, dala ko nga to nung nag guest kami sa slimmers ni boss allen hehee.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^alright! tas mag 400DL's ka na din while we're at it
  • bomsbonbomsbon Posts: 194
    Jettie wrote:
    sa ensayo gym equips sir :)

    layo pala dinadayo mo pa dun sir? hehe, anyway thanks sir :sport:
  • JettieJettie Posts: 3,763
    monching11 wrote:
    ^alright! tas mag 400DL's ka na din while we're at it

    Try ko ulet boss 1 RM ko yan haha.. siguro pag okay na tuhod ko at likod ko sa panahon na yun hehe.

    @bombsbon

    Nag meetup lang kami ni coach xbrain.. kumbaga xdeal , my caliper to his chalk :D
  • doodziedoodzie Posts: 13
    san po ba nakakabili ng gym gloves?
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Toby's adidas nike reebok any sports shop
  • melvinmelvin Posts: 35
    Tanung lang po.dapat po ba ko gumamit nung sa wrist.sumakit po kc kamay ko pag iniikot ko.
    Pag nag bubuhat ako masakit.kanina po nag susulat ako randam tlga.ano po advice nyo?ty
  • melvinmelvin Posts: 35
    Ty sir.laking tulong.yun nga po siguro dahilan.pag nag bebench press ako halos nag bebend na yung kamay ko.
    Sa ligaments daw po sabe ng kaibigan ko.ty sir
  • Mga sir share ko lng. Ako 3 pairs ng gloves suot ko. Una kong sinusuot surgical gloves yung tig 3 pesos lng tapos yung gloves na pang motorcycle. Yung mga tig 30 pesos lng sa palengke ha tapos gym gloves na. Bakit 3 sets gloves ko? Meron kasi ako nakuha 12 years ago na allergy sa bakal. Bang malas ko talaga hahaha. Pero nasanay na rin ako hehehe. Nickel Allergy tawag dun. Hindi ko na rin pina doctor or derma kc may internet naman at saka alam ko yung nag papa allergy sa akin ( wrist watch, maong dahil sa bottons bracelet, kwintas, singsing na hndi silver o gold)
    Kaya baka meron din tulad ko sa PBB na may ganito allergy at hindi makapagbuhat, try nyo na lng din mag 3 gloves.
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    ^ Parang ang init nyan sa kamay :)
  • YatezYatez Posts: 2,745
    Parang may ganyan rin ata ako lol pero sa wrist area haha
  • @RayKrieg

    Hindi naman maiinit yung lang pagkatapos mo mag buhat naipon pawis sa loob ng surgical gloves.

    @Yatez

    Malalaman mo lng yan kung sa mga area na nadidikitan ng bakal ex: wrist watch, necklace, bracelet etc. ay nangangati talaga tapos nag bi-blisters na.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    di rin ako makabuhat ng walang gloves or nasanay lang siguro talaga.. eto nagamit ko in order;
    1. Gloves na pang gardening
    2. Gloves na pang motor ata yun
    3. foam (ung asa mga stationary bike)
    4. Ginupit na interior (bike) - ok naman nahawa lang sa palad yung itim na kulay hahha
    5. Gloves na neoprene ( LP ang brand) - (crap)
    6. Gloves Bulls ang brand (2 ung leather, 2ung parang gamoosa) - ok naman to kaso ung leather natigas pag tagal hahaha
    7. 4 types ng nike gloves for men ( hindi matibay para sakin )
    8. Schiek lifting gloves (gamit ko ngayon pang 9months na :) at pinaka matibay kasi naka 9 months na )
  • patmamapatmama Posts: 7
    ako hindi kasi mas nanghihina ako pag naka gloves. belt lang
  • MaloyMaloy Posts: 582
    Yes, gumagamit ako .

    Tingin ko po nasa nature din minsan ng trabaho.
    Kung ang trabaho nyo ay nagrerequire ng frequent handshakes with clients, co-employees , applicants sa work etc. then maganda din na nakagloves para iwas kalyo. Pero kung hindi naman kayo masyadong maselan then wag na lang mag gloves.
  • dskinnydudedskinnydude Posts: 176
    I don't use gloves only because I can't deadlift with it, can't squeeze the bar when bench pressing, and just not used to it.

    But I have wrist wraps, lifting straps, and lifting straps with dowel. All kinds of gains!
  • luchi_bieluchi_bie Posts: 238
    I don't use gloves anymore on any lifts. Just chalk.
  • dskinnydudedskinnydude Posts: 176
    @luchi_bie bro san gym mo?
  • luchi_bieluchi_bie Posts: 238
    @luchi_bie bro san gym mo?

    I have my own home gym.
Sign In or Register to comment.