wrist pain

mga sir, 3days na lang 1 month na yung incident/accident na nangyari sakin sa gym

nag db press ako ng 30lbs after ko matapos yung reps nung ibababa ko na yung db

parang nawalan ako ng control o nalambutan ko ung kamay ko nung ibababa ko na kaya ang nangyari na bend pa kanan ung wrist ko kasi di ko binitawan ung db parang biglang bagsak sa bigat kasama ung kamay ko..

ung part na may bilog sa pic ang nasakit..

after 2-3 weeks ok na na gagalaw ko na ng ayus ung right wrist ko, pero andun pa rin ung feeling na kakaiba dun sa part na may bilog sa pic, feeling na nd naman sobrang sakit pero mild lang

normal lang kaya na ganto mag 1 month na di pa fully recovered?

wu2bug.jpg
«1

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    calling red AKA @Lazar
  • LazarLazar Posts: 565
    TS - ganyan na ganyan yung sakin. Ano na po ba mga medication na ginawa mo after mangyare yan?

    Naramdaman mo po ba agad yung pain right after the set? o naka buhat kapa?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    haha baka inabot din ako neto sa left naman, baka epekto to ng power push ups namin kahapon hehe
  • OhsnapOhsnap Posts: 425
    pwedeng may prob sa mobility ng wrist or weak forearm mo :) Rest mo lang yan. nangyari na rin saken dati yan
  • JettieJettie Posts: 3,763
    nag try ako ngayon open and close hands push ups , wala naman pain. Nalamog lang to kahapon since gamit na gamit din kahapon. I.e Deadlifts, sumo's , powercleans, power push ups, bear crawls, etc hehe
  • LazarLazar Posts: 565
    ^ malamang..

    injury talaga yang kay TS ...

    Gamit ka ng wrist support. Nakaka buhat lang ako ngaun dahil dun.
    Bagsak shoulder press from 70 to 55 lbs of s***

    Ipa check mo din, pina hilot ko yung sakin twice kinabukasan at kasunod na araw pagkatapos mangyare yung injury. Then suot ng mahigpit na benda pag pasok sa office kasi mahirap mag type sa keyboard.

    Ngaun ok na siya basta light weights lang.

    Get well. Balitaan mo ako.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    nakaka panghina rin paginabot ka sa wrist din ano? Parang halos lahat ng upper body dyan nagsimula .

    Oh well, sakin bukas na lang ako mag bench press , PR week ko pa naman deym..
  • LazarLazar Posts: 565
    Ou ...matindi din parang next to rotator cuff and spinal injuries
  • popoycantonpopoycanton Posts: 216
    subukan mo ice and/or heat therapy.

    If it were me, and I more or less know what I'm doing, I would take an anti-inflammatory like ibuprofen or naproxen for 5-7 days.

    kung tendon ang issue, mataaaaagaaaaaal talaga yan bago gumaling.
  • raokikunraokikun Posts: 154
    malas nga mga ser, kaka enroll ko lang ulit sa gym 2nd day nangyari yan after nun natapos na ang 1 month ko ng walang nangyari.. after na ma injury ako sinubukan ko pa rin buhatin kahit ung 15lbs na db sobrang sakit so tinigil ko na tlaga pero nakapag shoulder press machine pa ako haha hindi masakit.. pag uwi ko yun ice therapy lang, tapos after 1 week nagagalaw ko na sya ng ayus.. ngaun ok na ok na nakakapag buhat na ako nung mga mineral water na malalaki pero pag nag ddb ako may pakiramdam pa rin dun sa parang nag kokonekta ng forearm at kamay. cge maraming salamat akala ko kasi malala na to at 2 days pa 1 month na di pa rin magaling...

    by dec na lang ulit siguru ako buhat ipon ipon din muna para sa supp
    subukan mo ice and/or heat therapy.

    If it were me, and I more or less know what I'm doing, I would take an anti-inflammatory like ibuprofen or naproxen for 5-7 days.

    kung tendon ang issue, mataaaaagaaaaaal talaga yan bago gumaling.

    aw yun ang matindi ah, wag naman sana tendon issue nakaka miss na mag buhat haha hinahanap na ng katawan ko. tamang push up na lang muna sa bahay
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    I would suggest using a wrist wrap para may support sa wrist mo, ( if im not mistaken, gumamit nito si @jettie dati nung nadali sya nang tendonitis )

    lift safe brah!
  • raokikunraokikun Posts: 154
    oo nga sir saka ko lang binalak bumili oorder na ako sa net sana hindi naman masyado masama ung injury ko, nd naman sya namaga kasi kinabukasan.
  • LazarLazar Posts: 565
    @raokikun - seriously bro? you've planned to stop for 4 months? My friendly advice for you is go to the mall, look for a good quality wrist wrap for support.

    Then get yourself back to the gym.
  • raokikunraokikun Posts: 154
    sa tunay sir di ko pa alam gagawin ko ngayon, 1month na kasi may slight pain pa rin. lalo kunwari ung nag cocomputer ako tas mga 5-10mins naka steady ung right hand ko sa mouse pag ginalaw nasakit. baka ipa checkup ko na rin mura lang naman siguru. kung babalik man ako iniisip ko is ung wala na akong nararamdaman na sakit.. pero omorder na ako ng wrist wrap sa online
  • LazarLazar Posts: 565
    @raokikun - Okay. Sayang kasi kung hihinto ka ng workout. Isa pa, wrist lang naman yung injury natin. Pwede pa tayo mag legs at abs habang masakit pa siya.

    Pag dating sa pag gamit ng keyboard at mouse, binalutan ko muna yung wrist ko dito sa office nun para hindi sya masyado nagagalaw.

    it's your call padin.
  • @raokikun
    pull - no problem
    push - take it easy

    tuloy tuloy, wag tigil
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Eto sakin ngayon lang, haha ngayon lang ata bumukol. Pero nagpush ups ako open hand at close, wala naman problema sa close sa open hand parang may kakaiba lang sa kaliwa, siguro di pa kasi ganun kalala.

    Tipong ang sarap lang patunugin ng patunugin pero mukhang bad habit sa kanya.

    Left wrist
    vni6ag.jpg
    k0mrnc.jpg
    Right wrist
    2i24cg6.jpg
    350kt8l.jpg
  • raokikunraokikun Posts: 154
    @Jettie ano nangyari dyan ser? pati ano ung puti sa kamay mo? aug 15 pagka sweldo babalik na ako, tamang push up at dips muna sa bahay
  • JettieJettie Posts: 3,763
    may vitiligo ako about the skin, sa wrist inabot ata sa powerpushups
  • JiggamanJiggaman Posts: 156
    Siguro mga 3 weeks din ako may wrist pain. Hindi ko pinansin tuloy lang workout. Ngayon halos wala na. Hehe. I wouldn't advise it though. Iba pa din yung patingnan sa doctor.
  • Jiggaman wrote:
    Siguro mga 3 weeks din ako may wrist pain. Hindi ko pinansin tuloy lang workout. Ngayon halos wala na. Hehe. I wouldn't advise it though. Iba pa din yung patingnan sa doctor.

    Ako 8 months na yung injury ko. Nakuha ko sya sa pagda-drive. 2-3 months di makapagbuhat ng mabigat na bagay.. Til now masakit pa rin pag tini-twist. Di ako makapag Barbell Curl ng mabigat.
  • raokikunraokikun Posts: 154
    conespino wrote:
    Jiggaman wrote:
    Siguro mga 3 weeks din ako may wrist pain. Hindi ko pinansin tuloy lang workout. Ngayon halos wala na. Hehe. I wouldn't advise it though. Iba pa din yung patingnan sa doctor.

    Ako 8 months na yung injury ko. Nakuha ko sya sa pagda-drive. 2-3 months di makapagbuhat ng mabigat na bagay.. Til now masakit pa rin pag tini-twist. Di ako makapag Barbell Curl ng mabigat.

    yan naka bili na ako ng wrist support, 45 days na masakit pa rin siya pag tiniwist tulad ng sau ser pero di naman sobra bsta may nararamdaman lang. bubuhat na ulit ako simula bukas sa wakas tagal din napatigil. baka nga kailangan ibuhat para mawala kasi nakita ko rin sa wrist support na binili ko, improves faster healing etc parang ganun
  • JiggamanJiggaman Posts: 156
    Jiggaman wrote:
    Siguro mga 3 weeks din ako may wrist pain. Hindi ko pinansin tuloy lang workout. Ngayon halos wala na. Hehe. I wouldn't advise it though. Iba pa din yung patingnan sa doctor.

    Nabati ata. Ngayon eh parang one month na masakit. Pinahinga ko ng 1 week kase nung una hindi talaga ako makabuhat. Ngayon eh nakakabuhat nako pero may mga lifts na hindi ko kaya.

    Hindi ko kaya mag bench. Hindi ko din kaya barbell curl kelangan EZ grip bar ang gamit. Hindi ko din kaya push up at dips.

    Nagagawan ko naman paraan like halip na bench na barbell eh dumbbell gamit ko. At least na-a-adjust ko yung position ng kamay ko. Masakit kase talaga pag unnatural position. Sumasakit siya pag twist ko yung wrist ko.

    I can't decide if I should continue lifting or just rest it muna. What do you guys think?

    Saka can anyone recommend a good wrist support? Kung pwede yung mabibili sa Toby's.
  • riddlerriddler Posts: 1,018
    @Jiggaman
    Para sa akin, tuloy mo pa rin training. Avoid mo lang yung mga exercises na nakaka-aggravate sa wrist mo, anything that illicits pain, stop muna. Hindi naman siguro kawalan ang hindi muna mag-curl or barbell bench press or dips. Think of it this way, this is the perfect time to develop or train other body parts that you rarely give attention to. ;)

    Make the most out of any situation. Don't let little things discourage you from doing what you like to do.
  • nrg500nrg500 Posts: 1,233
    I agree with riddler. Don't do it if it causes pain

    I have also wrist pain in my right hand whenever I do bench press (dumbbell or barbell) and curls

    Not being able to bench press is not the end of the world for your chest training. You can try push ups as a replacement. I know you might be thinking "WTF ?!!! Push up ?" You can increase the difficulty by elevating your feet or use rubber bands. If you are strong enough, try one-arm push ups

    In my case, I use dips and push ups for my chest training
  • JiggamanJiggaman Posts: 156
    Thanks for the advice. Unfortunately, hindi ko din kaya mag pushup. Basically, I can't apply pressure on my wrist.

    I can still do a lot of other exercises basta I need to adjust the position of my hands. Like halimbawa with triceps pushdowns. Kelangan open grip ako. Pag dumbbell presses, kelangan medyo at an angle.

    I guess I'll do back, abs and legs muna. Sayang lang dahil ang ganda ng momentum ko ngayon sa FST 7.
  • asggeloasggelo Posts: 76
    for the TS>

    most probably na sprain yung ligament ng carpal bone (pisiform) connecting to the ulna kaya masakit. just like tendons, matagal mag heal ang ligament. pa check up ka sa orthopedic and have it checked. yung ibang ortho nagi inject sila ng gamot sa ligament mismo para mag heal and reduce swelling. although sobrang sakit neto pag tinusok ng injection. hehehe...

    @Jiggaman

    sobrang sakit ba? as in konting pressure lang masakit? pag pinindot mo ba may pain din? or sa exercise lang siya masakit?
  • Jiggaman wrote:
    Hindi ko din kaya barbell curl kelangan EZ grip bar ang gamit.

    same here brah. 1 month na din tong left wrist pain ko na nakuha ko sa Cleans(Being an ego-lifter).
  • JiggamanJiggaman Posts: 156
    asggelo wrote:
    for the TS>

    most probably na sprain yung ligament ng carpal bone (pisiform) connecting to the ulna kaya masakit. just like tendons, matagal mag heal ang ligament. pa check up ka sa orthopedic and have it checked. yung ibang ortho nagi inject sila ng gamot sa ligament mismo para mag heal and reduce swelling. although sobrang sakit neto pag tinusok ng injection. hehehe...

    @Jiggaman

    sobrang sakit ba? as in konting pressure lang masakit? pag pinindot mo ba may pain din? or sa exercise lang siya masakit?

    Nope hindi naman. Sumasakit lang siya pag twist ko yung hand ko. Siyempre pag barbell bench pag baba nung bar eh medyo unnatural yung position ng hand kaya sumasakit. Ganun din pag pushups.

    Pag pinipindot ko naman hindi masakit. Sa ngayon sumasakit lang pag todo twist sa left or right.

    Kung tutuusin naman kaya ko talaga magbuhat. Concerned lang ako na baka maging grabe or hindi gumaling. Baka mas okay na pahinga para 100%.
  • asggeloasggelo Posts: 76
    Nope hindi naman. Sumasakit lang siya pag twist ko yung hand ko. Siyempre pag barbell bench pag baba nung bar eh medyo unnatural yung position ng hand kaya sumasakit. Ganun din pag pushups.

    Pag pinipindot ko naman hindi masakit. Sa ngayon sumasakit lang pag todo twist sa left or right.

    Kung tutuusin naman kaya ko talaga magbuhat. Concerned lang ako na baka maging grabe or hindi gumaling. Baka mas okay na pahinga para 100%.

    try niyo to sir... after nyo mag workout, put ice sa area na masakit for 10-15 minutes. do this for 3-4 days. then assess niyo kung masakit pa rin after 3-4days.
Sign In or Register to comment.