Hello future Bokeh

1235789

Comments

  • LazarLazar Posts: 565
    Bakit bro? Anong concern mo dito?

    Weight: 188lbs15oz/85.8kg
    Height: 5ft9.3in/176cm
    Body Fat Estimation:
    Fat Index.... 23.6%
    Fat Mass..... 20.2kg
    Free Fat Mass. 65.6kgHahaha oo, ako nga 15 lbs lang db curlz ko madalas eh
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    Weight: 188lbs15oz/85.8kg
    Height: 5ft9.3in/176cm

    my dream weight before the cut( more likely 180 lbs)... pero stuck ako sa 165lbs at 5'8 .. nyeta.
  • bokehbokeh Posts: 394
    ^bago mo bigatan dapat ma execute mo ng tama yung curling, minsan o madalas ego lifting yang curling eh. Kung kaya mo sa ganyang weight good for you brah!

    Ang maganda sa curlz di need mabigat o maangas ka dyan, kahit magaan basta ma feel mo na pasok at tama ginagawa mo , good to go ka.

    Yung last time kasi na nag bicep curls ako, 10kg lang, ang may naramdaman ako pero mali yung rep ko nun. kaya I decided na iincrease siya ng 2.5kg sa next workout w/c is yung last workout ko. and yun hanggang 15 max lang yung kaya ko. ang sarap ng feeling. tuwang tuwa yung biceps ko hehe.
    Bakit bro? Anong concern mo dito?
    ahaha akala ko bigat ko yung tinatanong mo =))
    di ko kasi alam kung maniniwala ako sa body fat ko. pero nag basa ako kung saan binabase yung body fat, and hindi lang naman sa tiyan nakikita. so baka nga totoo. tiyan lang mataba sakin haha.
    my dream weight before the cut( more likely 180 lbs)... pero stuck ako sa 165lbs at 5'8 .. nyeta.

    pabigat ako ng pabigat bro. nung nagstart ako magbuhat last week, nasa 83.5 lang, tapos naging 84.6, and then yan yung sa mercury drug. 85.8. haha. di pa ako nakapag timbang kahapon. mamaya try ko kunin :)
  • LazarLazar Posts: 565
    Ah okay, ang bilis mo mag dag2 ng timbang. Good job on bulking.
  • bokehbokeh Posts: 394
    Waah, nakalimutan kong mag timbang. May sakit kasi si kumander nagmamadali ako hehe.
    Ito ginawa ko kanina

    Stretching

    Standing lat pull
    Warm up: 11.25kg 1x12
    Work set: 13.75kg 3x12

    Cg Lat pull down
    Wu: 25kg 1x12
    Ws:
    40kg 2x12
    35kg 1x12


    Wide grip lat pull
    Wu: 25kg 1x12
    Ws:
    30kg 2x12
    25kg 1x12

    Reverse grip lat pull (impossibe to perform sa machine na meron, mattwist yung wrist ko)

    Db rows
    Wu: 8kg 1x12
    Ws: 4kg 3x12@Lazar ito na selfie ko habang nag 4kg db rows hehe

    a9qs2g.jpg
  • LazarLazar Posts: 565
    Okay2 .. kulit ng edit mo bro. natawa ako. haha
  • bokehbokeh Posts: 394
    Lazar wrote:
    Okay2 .. kulit ng edit mo bro. natawa ako. haha

    ahaha. ang laki pala ng image haha.

    ano masasabi mo bro? puro taba yan walang maskels haha.
  • OhsnapOhsnap Posts: 425
    haha nag laki mong bulas. Maganda yan pag naging maskels na. haha Laki ng legs mo.
  • LazarLazar Posts: 565
    @bokeh - hmmm parang ganyan din ako nag simula bro. Hindi mataba pero parang hindi muscles at malaki legs.

    Tsaka may beer belly ako nun.

    Mag 2 years nadin ako nag woworkout, putol nung first year kasi nagka injury sa likod.

    Ang ibig sabihin ko lang is possible na in 1-year, pwede ka na magkaron ng solid transformation. Basta consistent ka on training and diet.

    :)
  • bokehbokeh Posts: 394
    Ohsnap wrote:
    haha nag laki mong bulas. Maganda yan pag naging maskels na. haha Laki ng legs mo.

    Ahaha laking baguio ako kaya ganyan kalaki. akyat/baba ba naman ang route ko araw araw. at masarap maglakad dun kasi malamig hehe.

    @Lazar talaga bro? ayos kung ganun hehe. ang saya haha. sana lumakas pa ako para makabuhat ng marami :)
  • LazarLazar Posts: 565
    @bokeh - wow, naiinggit ako pag nakaka kilala ako ng mga laking Baguio. Kung magkaka work lang ako jan kagaya ng income ko dito, I'll stay for good sa Baguio. Kaya every year binabalik balikan ko talaga yan.

    Ou haha, baka in a year, mas malakas ka na sakin at mas malaki katawan.

    GL
  • SmallWIJISmallWIJI Posts: 742
    ayos ito bro malaking tao sarap magpa mamaw nito keep lifting :sport:
  • bokehbokeh Posts: 394
    @Lazar totoo yan, ganyan ang iniisip ko. kung malaki lang sahod dun, okay na ako dun hehe. sarap mabuhay dun. haha. lalaki pa maskels mo sa paa naturally + mag gym ka pa. ay sarap. haha

    bro @SmallWIJI sana nga bro lumakas ako. ang baba pa ng binubuhat ko eh. unti unti lang mararating ko rin ang kalangitan ang bitwin. LOL
  • CoreCore Posts: 2,509
    Lazar wrote:
    @bokeh - wow, naiinggit ako pag nakaka kilala ako ng mga laking Baguio. Kung magkaka work lang ako jan kagaya ng income ko dito, I'll stay for good sa Baguio. Kaya every year binabalik balikan ko talaga yan.

    Ou haha, baka in a year, mas malakas ka na sakin at mas malaki katawan.

    GL

    Baguio Beans, baguio genes!

    Eh paano naman gastos mo sa karne? Di ba mas mahal?
  • JettieJettie Posts: 3,763
    may idol ako na taga baguio benguet , yung lumaban sa NGCC ba yun, 2nd place nakuha! astig ang lalaki nila pati yung mga kasama nya sa gym amfs!
  • OhsnapOhsnap Posts: 425
    Jettie wrote:
    may idol ako na taga baguio benguet , yung lumaban sa NGCC ba yun, 2nd place nakuha! astig ang lalaki nila pati yung mga kasama nya sa gym amfs!

    marami talaga malaki sa baguio. haha Sisipag pa dumayo para mag compete
  • bokehbokeh Posts: 394
    @Jettie Marami talaga malalaki sa baguio. its all in the genes. hehe. mga MMA fighters pa yung Team Lakay tubong baguio din hehe.

    Yung barkada ko (may lahing igorot, theres nothing wrong with being an igorot, yung iba kasi nilalait nila pero mababait sila, gentle warriors kumbaga) grabe. tulog lang ang workout niya. pero ako wala akong lahi kaya minalas haha.

    ayaw daw niya mag workout kasi lalaki siya. kumpletos rekados with all the muscles and sh*t hehe.
    Eh paano naman gastos mo sa karne? Di ba mas mahal?
    same lang hehe, kung maraming protein lang nakukuha sa mga fresh gulay gulay dun, edi masaya mabuhay dun especially sa mga body builders hehe.
  • bokehbokeh Posts: 394
    Nag gym ako kaninang lunch sa ibang branch.

    di ko namalayan na maikli yung sabitan ng mga plates, nahulugan ng 35lbs plate yung paa ko, as in direct hit. ang sakit, namamaga. :(

    post ko mamaya mga binuhat ko hehe. :)
  • LazarLazar Posts: 565
    Yep, solid din ang MMA fighters ng Baguio. Yung friend ko na lumalaban sa PxC, last time na nakalaban niya taga-Baguio. Ayun tulog yung kalaban in 30 seconds LOL

    Pero natalo yung friend ko dun nung una nilang laban. So nakabawi lang siya.

    Haha respect padin sa mga igorots!
  • bokehbokeh Posts: 394
    @Lazar yung mga kalaro ko dati nung bata ako, nagbubuhat ng mga bato bato na malalaki. yan ang pinapagawa sakanila ng mga tatay nila ahaha. samantalang ako, kotse kotse LOL
  • bokehbokeh Posts: 394
    Workout A

    Squat
    Wu: 20kg 1x5
    Ws: 27.5kg 5x5

    Bench press
    Wu: 20kg 1x8
    Ws: 22.5kg 3x8

    Bent over row
    Ws: 27.5kg 5x5

    Shrug
    Ws: 22.5kg 3x8

    Skulls
    Ws: 10.5kg 3x8

    Db tricep ext
    Ws: 10.5kg 3x8

    Tricep pulldown/curls? (Yung rope yung hawakan. Di ko alam tawag)
    Ws: 20kg/lbs di ko alam kung lbs/kg yung nasa ibang branch.

    One handed tricep control on the negative (di ko ulit alam tawag)
    Ws: 20kg/lbs 3x8 (each)

    Crunches:
    2x25
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    laking tao mo pala brod! sa tingin ko tuloy tuloy ka lang ng training at tamang nutrisyon may patutunguhan kang maganda! :) good luck
  • bokehbokeh Posts: 394
    Hehe parang sa pic lang malaki, or nagpapalaki lang ata yung salamin.

    Maliit lang ako tignan sa personal hehe.

    Gagawin ko lahat para mamotivate araw araw. Salamat :)
  • bokehbokeh Posts: 394
    Rest day yesterday.

    Ang sakit ng tuhod ko, I think umaatake na naman yung knee injury ko. (Basketball)

    Nagpa MRI around 2 years ago,and yung results are:
    1. (Right Knee) Oblique Torn Meniscus (di na daw maaayos to kahit ipasurgery wala ng magagawa kasi oblique=unrepairable :sleepy::arghh:)
    2. (Right Knee) Knee cap/Patella is not in its proper position, so naka tagilid siya, kaya pag naglalakad ako, paakyat/pababa ng hagdanan, nagbabanggaan yung mga buto. Pag hinahawakan ko siya habang umaakyat ng hagdanan, I can feel yung parang durog durog na buto :(
    3. (Right Knee) Fluid in my knee ay nagddry, kaya wala na siyang protection sa mga buto na nagbabanggaan kaya masakit.

    And now, I can feel #3 sa left knee ko. :(

    I think I won't do squats muna (goodbye favorite squats). Ill consult an ortho again. Hanap muna ako ng covered ng HMO namin.

    Dati kasi dinemonstrate ko sa ortho ko yung pag squat ko, tapos sabi niya wag daw ganun kababa (ass to the grass kasi ako kung mag squats) and inadvise niyang mag paPT ako, pero hanggang 4 sessions lang ata ako dati kasi lumipat na ako ng company.
  • LazarLazar Posts: 565
    That's a bad news for your legs bro.
  • bokehbokeh Posts: 394
    fave ko pa naman yang squats. diyan ako malakas pag pawisan eh, ang sarap haha.
  • LazarLazar Posts: 565
    Yep, because squats is a full-body exercise but primarily trains our lower body. If you want to oust squats on your routine, you better find a replacement and don't be "no legs day" body builder.
  • bokehbokeh Posts: 394
    Yep, because squats is a full-body exercise but primarily trains our lower body. If you want to oust squats on your routine, you better find a replacement and don't be "no legs day" body builder.
    The best compound exercise AFAIK. Oh well, ganun talaga.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    marami naman dyan subs sa squats for awesome leg, machines aren't there for a reason.

    Google or hire a good training para ma assist ka.
  • OhsnapOhsnap Posts: 425
    bokeh wrote:
    Nag gym ako kaninang lunch sa ibang branch.

    di ko namalayan na maikli yung sabitan ng mga plates, nahulugan ng 35lbs plate yung paa ko, as in direct hit. ang sakit, namamaga. :(

    post ko mamaya mga binuhat ko hehe. :)

    bro magaan or mabigat lagi ka dapat may clip for safety. :)
Sign In or Register to comment.