New member here at PBB

Mga brad, nawa'y maging makabuluhan ang pagsali ko sa forum na ito. Pero tiyak yun marami akong mapupulot na leksyon dito sa paghubog ng aking kalusugan at katawan.
Di pa ako ganon kabihasa sa larangan ng paghuhubog ng katawan, dahil pasundot sundot lamang po akong nagbubuhat. Pero mga 6 na buwan na hanggang ngayon po ako medyo tuloy tuloy sa pagbubuhat.

Maraming salamat po at susubukan kong makilahok sa mga pag-uusap at ilahad ang aking karanasan o mumunting kaalamanan.

Maraming salamat po uli. :sport:

Comments

  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    Maligayang Pagdating sa komunidad ng mga nilalang na may pag mamalakasakit sa kani kaniyang katawan hahaha :)

    Gawa ka ng journal brod at basa basa tyak madami tayo matutunan dito :)
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    Maraming salamat kapatid na Emman sa pagsalubong sakin. hehe
  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Maligayang pagdating, ginoo! :) Naalala ko ang mga propesor ko sa asignaturang Filipino hahaha
  • YatezYatez Posts: 2,745
    ngehhh
  • welcome!!!!minsan buhat tayo laguna din ako kaya lng sta rosa..tas order kna din skin ng promatrix 7 :-)
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Anong name ng may ari ng gym nyo brah? Welcome!
  • CoreCore Posts: 2,509
    monching11 wrote:
    Anong name ng may ari ng gym nyo brah? Welcome!

    Akala ko ikaw, balita ko taga Laguna ka kasi... [size=x-small](*Joke)[/size]

    Probably, member din yun sa PBB, nabasa yung thread na may naka-attach na print design ng PBB for T-shirts. DL then print!
  • poruchikoporuchiko Posts: 119
    RayKrieg wrote:
    Maligayang pagdating, ginoo! :) Naalala ko ang mga propesor ko sa asignaturang Filipino hahaha

    Maraming Salamat sa pagsalubong ginoong RayKrieg, mas masaya nga kung lahat ng pilipino ay di makalimot sa ating wika.
    welcome!!!!minsan buhat tayo laguna din ako kaya lng sta rosa..tas order kna din skin ng promatrix 7 :-)

    Maraming salamat po sa pagsalubong sakin. Sa Binan po ako nabuhat. Sana minsan makilala ko kayo at ma ispot-an nyo ako sa pagbuhat.hehe..
    monching11 wrote:
    Anong name ng may ari ng gym nyo brah? Welcome!

    Tawagin na lang po natin siya sa pangalang Kuya Gilbert, yun lang po pagkakakilala ko sa kanya eh..hehe.. Maraming Salamat po sa pagsalubong.
  • BorexxxBorexxx Posts: 167
    Welcome! Ituloy lang ang pag babasa at pag lahok sa mga usapan upang lumawak ang karunungan at mag bahagi din ng nalalaman. :D :P
  • Borexxx wrote:
    Welcome! Ituloy lang ang pag babasa at pag lahok sa mga usapan upang lumawak ang karunungan at mag bahagi din ng nalalaman. :D :P

    Siyang Tunay! Maraming Salamat po sa pagsalubong.
Sign In or Register to comment.