USANA Vitamins and Minerals

Anyone tried taking USANA Vitamins and USANA Minerals?
Usana is a networking company, but funny thing is its on the yearly MIMS catalogue. (MIMS is the book that contains all medicines/drugs (and when i say all i mean all) doctors in ph uses)

Comments

  • JettieJettie Posts: 3,763
    marami ako kaibigan na nagamit neto, ask ko kung ano effect sa kanila tho puro runners eh..

    Alam mo yan, may allergy ako sa pawir pawir na yan hehe
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    lol. pawir pawir pareho tayo. kahit anong networking ata allergic ako.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    I FUCKING HATE MULTI LEVEL MARKETING.....

    Lalo na pag me mga produkto na alam mong bullshit or kahit me epekto pero sobrang MAHAL naman. Di ko kaya i brainwash sarili ko na gawin un sa ibang tao.

    Sa TPC ko nabasa yan di ko lang sure kung MLM nga pre emptive post lang ung saken hahahaha
  • JettieJettie Posts: 3,763
    hahaha masarap nga bashin yung MLM sa tpc hehe enang yan super entertaining ang mga comment

    Kaya nga nagpost ako dun ng Saging ng pangkalawakan haha!
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    lol. di kaya ng konsensya mang loko ng tao. ah este mang salestalk.
  • OK sana kaso sobrang mahal at masyadong maraming false claims sila na laging binibida. May close friend ako na nagkainisan na kami ngayon because sa tagal ba naman naming di nagkita eh ininvite ako sa coffee shop one day. Akalain ko bang seminar ng USANA pala yun. Nabwisit ako kasi nasayang ang almost 5 hours ko dun.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^LOL same nangyari satin hahah.

    Former officemates ko inimbitahan ako kung interested ako sa "project" kala ko naman papa design ng bahay saken punta ako sa starbucks taena seminar din ng isang MLM 3hrs nasayang sa buhay ko hahaha.
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    May mga kilala din akong ganyan, gaya nga nung isang post ko sa thread dito about sa binebenta nilang fat burner tapos may before and after pic pa so fucking funny.

    Nagtanong din ako meron kasi silang test booster din ang dating curious lang ako, pero mahal.. mas mahal pa kaysa sa mga test booster sa cnc, pati mga multi nila mas mahal pa nga sa optimen to think na mamahaling klase na ng vitamins ang optimen.

    May mga spirulina pa etc etc na pagkamahal mahal din tapos post ng tag-iisang libong pera (siguro mga 10-12k) tapos.
    Hahahaha epic fail.

    In my opinion, yung mga kilalang products na lang ang bibilhin ko when it comes to vitamins/supplements at iba pa, bukod sa subok na e di hamak na malaki pa ang matitipid ko.
    :)
  • JettieJettie Posts: 3,763
    ako nga ex ko eh, amf lalandiin daw ako yun pala sa Enterprise building ako sinabit, jusko puro mura sa utak ang naiisip ko at pinapatay ko sa isip ko yung lahat ng tao na nauuto ng mga kulto na yun...

    Iiyak, pagmamalaki mga pic na kotse, sa ibang bansa, mga bigtime bahay tapos iyak.. sabay pawir! palakpakan.

    Tapos pagdating sakin, "Jet, bili ka product tapos pa member ka" bingi na ko sa panahon na yun, sabi ko wala ako pera , pautangin mo ko ng puhunan bayaran kita pag mayaman na ko.

    Ayun, hindi na ata ako nageexist bilang tao sa kanya hahaha.

    Anyways, sabi sakin yung USANA daw effective as per survey "daw" sabi ng user.. fak sila, mag kirkland na lang ako haha
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    @jettie
    na blueballs ka na nga, na pawir pawir ka pa hahaha
  • about USANA. gusto kong palitan ung sa mama ko kasi naggaganito sya. ung kulay blue (MINERAL) at kulay green (Mega AntiOxidant Vitamin)

    ano pwede ipalit na mas effective? ayoko kasi un.
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    POWER!!!
  • Power? dko gets haha
  • aloy0511aloy0511 Posts: 948
    lol
    meron namang kirklan multivitamins and minerals. oks na yun mura pa, at kumpleto din
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Napasama ako sa Usana kagabi.

    Tumawag sakin yung mga pinsan ko sa Batangas kahapon na manonood daw kami ng concert ng Parokya, umoo ako. Tapos pag dating sa bahay, narining ko sa kanilang dalawa naguusapa tungkol sa Business, alam kong network na yung pinaguusapan nila pero nandun Parokya kaya sayang din. Pagdating sa Ynares, Christmas party pala ng "team" nila, mga 1 1/2 hour din bago dumating yung parokya, kaso sa 1 1/2 hours na yung eh puro pawer! Siguro nasa 3k ang tao na puro nakakapraning sila kung paano mag react sa bagay bagay haha.

    Tapos nung dumating yung Parokya, imbes na 5-7 songs sila, naging 1 hour set sila. Ok din yung concert kasi majority ng tao din ay mga 35 years old pababa. Kaya masaya din. After ng parokya may program pa, nagpaalam na ako sa mga pinsan ko kahit pinipilit pa akong magstay tapos nag taxi na ako. Hahaha.

    PAWER!
  • JettieJettie Posts: 3,763
    PAWIR!

    Sabay iyak at palakpak! hehehe
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Meron pang nagtatakbo papuntang stage kasi daw magiging Gold sila! Haha di ko alam kung ano yung mga sinasabi nila pero kakatawa din silang panoorin. Parang nasa kulto.
    Nakakatawa pa dun ay pinagkakakitaan na sila ng usana at pinag kakakitain pa sila ng team leader nila haha.

    Iniisip isip ko din, kung gaano kadaming pamilya at kaibigan ang masisira dun haha.
Sign In or Register to comment.