Journal for a Change

Hello PBB People. Pano ko ba sisimulan?

Ako nga pala si Paul. Engineer student sa Manila. 5’11 ang Height, 117lbs. Patpatin parang Walis Tingting.

Eto ako ngayong July 2012:
1jouiw.jpg

So ganito, matagal ko ng gusto magbuhat dahil hirap na talaga ako tumaba kahit anong kain ko tsaka nahihiya ako magbuhat dahil sa physical appearance ko, sabihin nila, "ay ang konti naman ng binubuhat nito" ganito, ganyan. Last Summer ( April 2012 ), ine-eencourage ako ng kaibigan ko na magbuhat, para daw di nako nalalait. Kaya nilakasan ko loob ko. Buti nalang mababait yung mga tao sa gym at di ganoon sa ineexpect ko. Binigyan nila ako ng basic routine workout na nakalista dyan. Nakapag work-out ako ng 2 weeks pero na-confine ako dahil sa GERD at Gastroenteritis, na cause daw yung pag gy-gym kaya pinatigil ako ng doctor. Di na ulit ako nakabalik ng gym sa probinsya dahil may pasok na ulit.

Galing probinsya po ako sa Bataan, nag-aaral sa Maynila kaya, dependent living sa dormitory. Wala ding idea sa mga lugar ng gym.

Hirap ako mag Workout dahil sa mga Factors na toh:

1. Pag-aaral - Quarter Semester school ako, kaya everyday kailangan ko mag aral. Do paperworks, etc. Minsan, buong linggo ako nag-aaral. Nerdy type. para po di bumagsak. Result = STRESS.
2. Dormitory - Ang hirap mag-plan ng meal/calorie intake. Lagi kailangan bumili. Bawal magluto dito ehh. Cost almost 200 a day. Minsan di na umaabot sa weekly allowance
3. GERD, Gastroenteritis - Basically Heartburn, Dehydration at Overhydration. Naging sakit ko sya after ko mag work-out, sinuka ko lahat ng nainom ko, pati gainer ko. Payo sakin ng doctor, bawasan ko daw pagbubuhat ko. Ayaw na tuloy ako ipag-gym ng magulang ko. hehe.
4. Breakfast - Dahil sa pag-aaral, lagi na late matulog kaya minsan nagigising nalang ako 1 hour before class. Nawawalan nako ng time para mag almusal. Karaniwan o palagi BRUNCH na lang. At ang pagkain na malapit sa lugar ko ay pa-ulit ulit lang. Parang mamamatay ka na kasi yun nalang lagi kinakain mo

Meron akong GNC Weight Gainer 2200 Gold, binili ko sya non kasi 75% percent pag dalawa binili. Yung isa naubos ko by drinking, no workout. No effect, tapos nabasa ko sa internet na kailangan talaga ng workout. Kaya tinabi ko yung isa.

Eto sya:
11v0aj4.jpg

Gusto ko bumalik sa pag gy-gym in coming August, papalipasin ko muna yung mga araw dahil exam week naming ngayon. Napag-isip isip ko lang kasi, 1 oras lang ang hinihingi ng pag-gygym. Parang pagsisimba lang . Kaya plano ko isingit sya sa oras ko. Nakakasama ba sa katawan na ipagsabay ang pag-aaral sa pagbubuhat? Karaniwan po kasi 7:30-4:30 ang klase ko tuwing W-TH-S. Kapag M-T-S, 9:00-12:00. Ok lang din po ba na magbuhat ako pagkatapos ng klase?

Ayun, sana mabigyan ninyo ako ng magandang tips/advice especially mga Ectomorph diyan dati bago ako magsimula. Kailangan ko po bang dagdagan yung Workout ko o kailangan bawasan o kailangan din palitan? Di ko rin alam yung Best Whey and Supplement.

Hindi ko naman hangad na maging BodyBuilder. At least Lean muscle lang at Athletic Type. Mga 170-180lbs lang.
Salamat PBB Community :)*reserved. HEHE.

Comments

  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    kain ka lang ng kain muna...lahat kainin mo...
  • PaulPaul Posts: 4
    Nagawa ko na din. Pero 2 big meal lang. Lunch at Dinner, prang tinatae ko lang din lahat. hehe.. Di ko pa na trtry yung every 2 hours meal.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    hindi mo kelangan orasan kain mo..damihan mo lang..pondo pondo muna..
  • zanezane Posts: 963
    I can help pero hindi sa lahat. ive been in the same body as yours a year ago.

    yung health concerns mo pagdating sa paggym, hindi ko masasagot yan dahil di naman ako professional, hintayin natin sagot ng iba.

    yung pag aaral, syempre iprioritize mo yan. ganyan din ako, taga manila ako pero sa baguio ako nagaral, pag di ka nagtino jan e magagaya ka sakin nakickout. pero sabi mo nga, 1 oras lang hinihingi ng gym, pwede ngang mas konti pa jan. research mo yung 5x5

    yung breakfast mo, kahit tinapay na lang kung wala ka talagang oras, hindi naman siguro bawal kumain ng tinapay habang papunta sa school.

    yung dormitory, wag mo munang problemahin yung meal/calorie intake. kainin mo lahat ng kaya mong kainin, hanapin mo yung maintenance caloric intake mo then eat making sure that you're always on a sruplus. ngayon since prone ka sa gastro, i suggest clean diet.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    yan ang expert..check his journal...kapag nasundan mo journey nya..popogi ka na din dadami pa anak mo..hehehe
  • zanezane Posts: 963
    donbuh wrote:
    yan ang expert..check his journal...kapag nasundan mo journey nya..popogi ka na din dadami pa anak mo..hehehe

    hahahahahahaha
  • PaulPaul Posts: 4
    Lagi ako may dalang Buttercream bago pumasok. Ok lang ba yun? Minsan pag naalala ko kumakain ako ng saging bago pumasok. Hindi ko ma check yung calorie intake ko. Minsan di ko maintindihan yung mga meaning. Parang nagbabasa ka ng libro na hindi mo naman naiintindihan yung pinagsasasabi

    Eto po ba yung 5x5 na sinasabi ninyo?
    http://www.eclipsegym.com/forums/viewtopic.php?t=57
    HAHAHA. Nakita ko din journal nya. Dami ko nakitang journal dun na puro Ectomorph. Kaya parang ginanahan ulit ako. Parang sinabi ng sarili ko, possible nga talaga.

    Sir donbuh, san ka sa balanga? Magkakilala ba tayo? hahaha, Arellano ako nag-aaral noon.
  • SteelixSteelix Posts: 71
    try to ask nga a professional for your medical condition....

    what about sports? di rin daw pede? para atleast may sport ka and naexercise pa rin katawan mo and malay mo eventually maging ok ka na rin sa paggym.

    and yeah kain muna tayo marami! samahan pa kita! ya ang hilig ko, kumain ng kumain! haha
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    Meron akong GNC Weight Gainer 2200 Gold, binili ko sya non kasi 75% percent pag dalawa binili. Yung isa naubos ko by drinking, no workout.
    di pwede yan,...


    Tsaka good luck sa pagbabalik mo sa gym...

    Salpak lang ng kain, at wag masyado magmadali,.. aabot ka rin nyan...:wink:
Sign In or Register to comment.