The Rants thread (for all your ranting needs.)

1161719212241

Comments

  • allen101allen101 Posts: 5,102
    May rant ako.
    #Rant

    Hardcore Pressers

    Nung nasa 90lb set ako ng BP may lumapit na dalawa.
    Tall guys, basketball player physique.
    "Brad pasabay ah"
    Salpak ng dalawang tig 20lb plate so 130lbs na.
    Pwesto yung isa, bang! Di maiangat! Bawas ng 10lbs, so 120 na lang.
    Hirap na hirap iangat! So spot na yung isa sa kanya, the usual spot na naman na dalawa silang nagbubuhat.
    Imagine habang nag bebench press yung isa e yung spotter niya nag babarbell rows sa binubuhat niya at labasan na mga ugat. Take note barbell rows. Yes, dalawang kamay gamit nung spotter dahil hindi kaya ng isa lang.
    Then sunod yung isa naman, same fucking thing! More or less 8 reps yata nagawa nila. Di ko sinasadya pero napakamot ako ng ulo sa harap nila. Muntik pa ko mapa facepalm! Bakit ka magsasalpak ng madaming plates sa poundage na binubuhat ko tapos di mo naman pala kaya? Pati yung nasa kabilang bench at yung dalawang PT nakatingin sa kanila.

    So ako naman, binawasan ko ng 10lbs then I banged it for easy 10 reps.
    Di ko intensyon makipagpataasan ng ihi, nagkataon that was just my next set.
    Ayun umalis na sila, yung isa nag side delts raises superset with bicep curls.

    Part 2:
    I was doing DB press currently at 40lbs DB.
    Tumabi sakin dun sila sa incline, kinuha nung isa yung 35lbs, wala yung spotter niya
    di mabuhat, quarter rep tapos more like 4-6 reps. Sabay dating na si spotter niya sabi..
    "Kunin mo yun.." nkaturo dun sa 45lb DB. Again???? C'mon!
    As expected, habang nagppress yung isa, yung spotter nagbibicep curls naman.
    Iling iling na lang ako.
    I picked my next set 50lbs DB.
    Yung nag spot kanina siya naman magseset, kinuha naman yung 55lbs!
    To think na mas maliit pa siya dun sa isa hirap na hirap na sa 45lbs tapos tataasan niya yung kanya.
    Taena sabi ko, ano ba tong mga to inaasar ako? Lahat ng poundage ko gagawin nilang mas mataas yung kanila? Ayun labasan din ugat nung spotter niya kaka bicep curls ng 55lbs DB!

    Oh well goodluck.
  • hahahaha yaan mo mga kumag na yan pag naijnure yan sureball iihi talga sila sa sakit hahahah!
  • milksworthmilksworth Posts: 3,130
    ^ahahaha! misnan di talaga maiwasan mga clowns sa gym lol!
  • dalawin naten yang gym mo lolz!
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Naku dumadami nga clown dun sa pinaggyman namin ngayon di ko malaman bakit.

    Yung isa di ko alam kung naka 3 tasa ng kape at apat na boteng cobra ba e, ang ligalig.

    Pull ups, whole body pull ups inaangat nya paa nya para umaangat din upper niya, tapos mag didips, shoulder dips yata ginagawa ndi nmn bumababa, shoulder lang ginagawa, tapos takbo ng takbo sa loob ng gym, literal na takbo ah ndi jog in place lol.

    Nung magssquat tuloy ako hinintay ko muna siyang matapos sabi ko kay red teka lang baka kasi matawa ako e lol@ Dalton - Cge nga paps at ng maturuan mo mga komedyante dun lol
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    6a1b17d8f6a611e18ddc22000a1cbaec_6.jpg
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Mighty_Oak wrote:
    6a1b17d8f6a611e18ddc22000a1cbaec_6.jpg

    WAHAHAHA benta na naman to sakin, popost ko na naman to sa FB
  • sarap dalawin ng gym nyo, dalaw kame nila papa mighty wahahha!
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    Pota kung malapit lang yan eh sabayan ko si allen at red! hahaha
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Tara na!!!! Hahaha
  • sa susunod kase pag mag pipic kayo eh naka edit na para may porma or korte,

    lolz! namf!
  • StannisStannis Posts: 1,377
    Eh pang model na nga daw ako eh!! Ano bang sinasabi mo?!!
  • eh model ka pala eh... dapat edited nga ang pics mo, para mas pormang porma lol!
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Makapag post nga ng clay na progress pic para ma pormahan ko lol
  • lol
  • JettieJettie Posts: 3,763
    buti ako role model lang ng mga pamangkin ko!


    Anyways, nakakatamad! It's my ehersisyo time at naulan! Basa kalsada! Malamig! Inaantok! Nakakatamlay!

    Eto yung napapanahon kung gusto ko talaga magsiryoso...


    Ay punta na lang ako baka wala tao sa gym.... magpipic ako para mukhang model ako :P
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Shet tinatamad ako lumabas umuulan lol.
  • nasa office pa ako! daming kelangan tapusin!!!!
  • noelnoel Posts: 304
    i just had lunch...PM2 (pecho) at Mang Inasal...
    still having problem finishing two cups of rice...mahina na yata talaga metabolism ko...he he he

    while the guy sitting across me had the same order but he was on his 6th cup of rice when i left...and he is not even big
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Pinost ng friend ko sa fb yung videong to, check the comments.

    Napa facepalm na lang ako haaaaays.

    Sakin yung isang comment na tinag q si red

    iqwvg7.jpg
  • eh malakas ata cya, pambabae lolz. sama mo nga sa group wo yan taena lol
  • allen101allen101 Posts: 5,102
    Bullshit nga, unang comment ko pa nga lang e "187lbs ATG" bilib na bilib ako sabay may magcocomment ng pambabae dw lol.

    At hindi daw sets kundi reps ginagawa... ewan ko kung ano ibig sabihin nyan ahaha
  • emon02emon02 Posts: 700
    sorry na daw: lolz

    http://www.twitlonger.com/show/l76r64
    Cynthia Villar (@Cynthia_Villar)
    Posted Sunday 3rd March 2013 from Twitlonger

    Taos-puso po akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nurse at kani-kanilang pamilya na labis na nasaktan sa aking kasagutan sa tanong na ibinato sa akin sa isang programa sa TV.

    Alam ko po ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan ng mga nurse, mga nursing students at kanilang mga magulang at pamilya upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral at propesyon. Hindi rin po lingid sa akin ang malaking tulong ng mga nurse dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na nagta-trabaho nang lubos upang makatulong sa kanilang pamilya.

    Humihingi po ako ng pang-unawa sa kahat ng mga nasaktan sa aking sinabi. Wala po akong intensyong maliitin ang mga Filipino nurses.
  • ipisipis Posts: 223
    noel wrote:
    i just had lunch...PM2 (pecho) at Mang Inasal...
    still having problem finishing two cups of rice...mahina na yata talaga metabolism ko...he he he

    while the guy sitting across me had the same order but he was on his 6th cup of rice when i left...and he is not even big

    gutom yun! HAHAHA
  • noelnoel Posts: 304
    emon02 wrote:
    sorry na daw: lolz

    http://www.twitlonger.com/show/l76r64
    Cynthia Villar (@Cynthia_Villar)
    Posted Sunday 3rd March 2013 from Twitlonger

    Taos-puso po akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nurse at kani-kanilang pamilya na labis na nasaktan sa aking kasagutan sa tanong na ibinato sa akin sa isang programa sa TV.

    Alam ko po ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan ng mga nurse, mga nursing students at kanilang mga magulang at pamilya upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral at propesyon. Hindi rin po lingid sa akin ang malaking tulong ng mga nurse dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na nagta-trabaho nang lubos upang makatulong sa kanilang pamilya.

    Humihingi po ako ng pang-unawa sa kahat ng mga nasaktan sa aking sinabi. Wala po akong intensyong maliitin ang mga Filipino nurses.

    ha ha ha....di kasi na-prepare agad yung spiel, kac impromptu ang questions....
    laki ng difference sa sagaot, basta nagawa na ng mga hire persons in charge sa media....

    Politicains...may mapipili pa ba tayo? kaya choose your bets wisely...
  • jcumali008jcumali008 Posts: 1,090
    emon02 wrote:
    sorry na daw: lolz

    http://www.twitlonger.com/show/l76r64
    Cynthia Villar (@Cynthia_Villar)
    Posted Sunday 3rd March 2013 from Twitlonger

    Taos-puso po akong humihingi ng paumanhin sa lahat ng mga nurse at kani-kanilang pamilya na labis na nasaktan sa aking kasagutan sa tanong na ibinato sa akin sa isang programa sa TV.

    Alam ko po ang sakripisyo at hirap na pinagdaanan ng mga nurse, mga nursing students at kanilang mga magulang at pamilya upang maitaguyod ang kanilang pag-aaral at propesyon. Hindi rin po lingid sa akin ang malaking tulong ng mga nurse dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na nagta-trabaho nang lubos upang makatulong sa kanilang pamilya.

    Humihingi po ako ng pang-unawa sa kahat ng mga nasaktan sa aking sinabi. Wala po akong intensyong maliitin ang mga Filipino nurses.
    haha bigwasan yan ni nurse predator eh..haha
  • noelnoel Posts: 304
    i'll be forced to have a deloading week...caught a flu last Sat night, still got it till today, out of town official business pa til Sat....
  • dimzon03dimzon03 Posts: 1,552
    Badtrip kagabi:angry:
    hirap makipag diskusyon sa pulis tapos may sasawsaw pang iba...

    pagdating ko po sa gym may gumagamit napo dun sa squat rack(yung kilalang pulis dun sa gym kasi matagal na bumubuhat dun) kaya hantay muna ako habang nag nag wa-warm up at sya naman gumagawa ng partial squat yung tipong wala pa sa parallel...
    tapos nung lumipat na sya saka nako nakagamit at hindi kona inalis yung plates kasi sakto yun para sa program ko na 130lbs...at pagtapos ko sa 4th set ko lumapit sya sakin at sabi "mali ang ginagawa mong sobrang babang squat kasi pang pa-pwet yan hindi lalaki legs mo dyan"wtf
    kaya sabi ko ganun po ba? sa ganito po kasi ako sanay ang sabi ko para may respeto parin...
    tapos pinipilit nya ako gumamit foam para daw batok ko daw ipatong eh hindi naman ganun turo sakin ni sir DS eh,kaya sabi ko ulit hindi po ako sanay sa ganun.
    At sabi nya ulit basta mali ginagawa mo at may isa pang sumawsaw na wala naman mass sa legs as in chicken legs sya pero may shape ang upper kaya mayabang din,sabi ng sumawsaw...oo nga pansin ko sobrang baba ng squat mo sa pwet nga tama nun hindi sa legs:verysad:
    at medyo napikon nako kaya sabi ko " mga sir ganun way po kasi ng squat ayon po sa mga nababasa ko at napapanood ko" at hindi pa ako tapos magsalita eh basta boy mali ginagawa mo kahit search ko pa daw sa youtube...eh hindi naman ako nagpatalo kaya sabi ko na eh " sir yan po kasi turo sakin ng mga kagrupo ko pa na bodybuilder po talaga tapos nilabas ko po yung legs ko para makita nila na mas may mass kahit konti yung legs ko kasi tama ang ginagawa ko kumpara sa kanila,at alam nyo na kung ano mangyayari syempre hindi papatalo si kuyang pulis at kuyang sawsaw...kaya sabi nila eh ginagawa yun ng mga grupo mo kasi bodybuilder sila eh ikaw ba magco-compete kaba hindi naman diba kaya mali ginagawa mo...
    kaya ako dahil napagtulungan at wala ibang kakampi eh sabi ko nalang gagawin ko na lang po kung san ako sanay tapos sabi ko thank you po sa advice buhat napo uli ako...
    harap sa barbell at tinapos ang huling set ko...at tuloy lang sa program...
    wala lang badtrip lang:squat:
  • kopikopi Posts: 690
    ^mga kups yang mga yan..ayaw magpatalo at ayaw aminin n mas tama ang ginagwa mo..d nila matanggap n isang katulad mo p ang magtuturo sa knila..haaayy ego nga nmn..aus lng yan dims as long na alam mo tama ka aus n un
  • XbrainXgainXbrainXgain Posts: 818
    Dala ka earphones bro. Yung swak sa loob ng tenga. Hayaan mo lang sila. Hindi naman nila alam pinagsasabi nila. Sabi nga nila, the less you know, the more you think you know. :)
Sign In or Register to comment.