Nagbabalik-loob :D

Kumusta mga bossing? I hope okay lang ang lahat dito.

Ako po si Otep, OFW sa Saudi Arabia. Nagbabalik loob sa exercise at medyo sinisipag na uli ako magpunta sa gym mga 2 buwan na halos.

2008 nang una akong nakatapak sa gym. Overweight ako sa medical report ko for Saudi kaya nagdesisyon ako na mag-exercise. Napababa ko ang timbang ko from 185 to 165 lbs. sa loob ng 3 buwan habang hinihintay makumpleto ang work requirements ko. Halos araw-araw ako sa gym at hindi kumpleto ang araw ko pag di ako nakapagbuhat.

Late last year nang ma-diagnose na mayroon akong Hypertension. It runs in the family ika nga kasi kahit iyong pinsan kong runner ay hypertensive din.

Kalaban ko dito sa exercise ang katamaran at tuwing sasapit ang taglamig.

Sumali po ako dito para madagdagan ang kaalaman ko. Ang goal ko ay mapababa uli ang timbang ko, abutin sana ang ideal weight ko at maintain a healthy lifestyle. Bonus ko na lang siguro na mapaganda ang katawan hehe! Si misis enrolled rin sa gym sa Pinas at ang laki na ng improvement niya kaya nape-pressure ako hehehe!

Maraming salamat sa pagbabasa at mabuhay kayong lahat :smile:

Comments

  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    Welcome to the Oasis sir otep!, basa basa ka lang sir and gawa ka na din journal para masusubaybayan ng mga mga members dito ang pagbabalik-loob mo. hehehe :smile:
  • rotrot78rotrot78 Posts: 1,147
    welcome sir!!!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Salamat po mga bossing. Sana nga tuloy-tuloy na ang pagsisipag ko this time around at makagawa rin ng personal journal.
  • boss_jboss_j Posts: 1,243
    Halos araw-araw ako sa gym at hindi kumpleto ang araw ko pag di ako nakapagbuhat.

    hehehe welcome bossing!
  • kurt203kurt203 Posts: 242
    welcome sir!
  • BraSoBraSo Posts: 785
    Hi Otep.. OFW din ako.. based ako sa Dubai pero palibot libot sa mid-east.. saan ka sa saudi? may binuksan akong gym sa riyadh nung 2008, para sa isang family na client ko sa dubai. Sadly, hindi ako naka ikot sa riyadh sa mga punta ko dun.


    Welcome to PBB... feel free to ask questions sa Q&A thread natin.
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    ot3pch4n wrote:
    Si misis enrolled rin sa gym sa Pinas at ang laki na ng improvement niya kaya nape-pressure ako hehehe!

    ahahahaha!! humabol ka wag attamad tamad! hehe! welcome! goodluck sa goals!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    BraSo wrote:
    Hi Otep.. OFW din ako.. based ako sa Dubai pero palibot libot sa mid-east.. saan ka sa saudi? may binuksan akong gym sa riyadh nung 2008, para sa isang family na client ko sa dubai. Sadly, hindi ako naka ikot sa riyadh sa mga punta ko dun.

    Welcome to PBB... feel free to ask questions sa Q&A thread natin.

    Nasa Riyadh ako ngayon bossing. Saan at anong pangalan ng gym na binuksan mo? Biglang dami na rin ang mga gyms dito pero may kamahalan. Iyong pinupuntahan ko ngayon 5 minutes lang mula sa bahay pero malinis at maayos ang mga gamit.

    Okay lang kahit di mo naikot ang Riyadh kasi wala naman talagang mapapasyalan dito di gaya sa Dubai hehe!
    Kyzack wrote:
    ahahahaha!! humabol ka wag attamad tamad! hehe! welcome! goodluck sa goals!

    Salamat bossing. Adik sa bike at group exercises si misis kaya mabilis niya naabot ang goals niya. Medyo mabagal ang progress ko ngayon kaya maraming kailangang ayusin.
  • ProlevelzProlevelz Posts: 1,162
    Welcome po and enjoy dito
Sign In or Register to comment.