Stiff Neck
Emman1986
Posts: 1,819
mga brad, anong pwede naten gaweng remedies pag may STIFF NECK ?
palagay ko nakuha ko to kahapon sa aking BUFFET TRAINING eh hahaha
hirap tuloy tumingin sa kaliwat kanan
salamat
palagay ko nakuha ko to kahapon sa aking BUFFET TRAINING eh hahaha
hirap tuloy tumingin sa kaliwat kanan
salamat
Comments
salamat sa suggestion brad sa tingin mo ok din kaya kung mag babad ako mamaya paguwe ko sa mainit na shower? parang sauna style? ta try ko mamaya yang suggestion mo mahirap lang gawennow kasi asa work pa ako baka mapagkamalang na "exorcist" ako hahaha
High blood sir! hahaha. ok din un sir. para mag loosen sya. tapos ung tai chi or voltaren na ointment (over the counter meron) deep massage mo sya sir kapain mo ung luob kahit mga 5-10 mins lang tapos stretch mo ulit. wag kna mag unan pag matulog tryo mo lang sir para diretcho pati spine mo sir hehe. ok lang machong exorcist naman kakalabasan mo eh haha:sport:
kaya lang naman ako pumunta sa clinic namen para humingi ng sick leave cert kaso di raw pede sa ganitong kaso hahaha
pede kaya ung efficasent oil since medyo nainit din naman un?
hirap tuloy igalaw leeg ko di tuloy makapag ninja moves sa mga chickas na maluag ang damit hahaha
@Ohsnap gel sya na medyo malamig pero once pinahid mo na natutuyo na agad kaya hirap imasahe lol
@ALL
pede kaya ako mag training bukas kahit may stiff neck pa rin ako? deads day pa nman ako bukas? ano sa tingin nyo? salamat sa sasagot
pag asa bahay, pero sa labas kahit sa office pag na daanan ko sinasabi "sino ung amoy matanda" haha. pwede yan sir! mag uunat pa ung spine mo. basta mga 6/5 at discomfort lang ung pain. wag naman ung super severe (na kelangan mo na ipacheck) pag medyo ok na sya compared nung nag reklamo ka na masakit, umook na sya. ako nag ka stiff nick dati sa tricept push downs na 160lbs. (kasi katangahan ko me chix na dumaan, napalingon ako) ayun nag lock pakaliwa. haha inistretch ko lang ng mayat maya. nilabanan lang din. tapos kinabuhkasan ko nun Back and bi e. ok naman sya sir mas nawala nung nabanat ung likod ko sa deads chaka sa pull downs hehe
naalala ko during my buffet training nung nag SLDL ako naka sideview kasi ako sa salamin at dahil tinitingnan ko maige kung tama ung form ko malimit ako nakatingin sa salamin habang giinagawa ung routine!!!
YAN! tumpak sir!!! ganyan ganyan! ung chix dumaan sa mirror ko din inispottan. parang naipitan ako ng muscle sa leeg. hahaha same tayo paps! (same ng incidente ah.. if you know what i mean) hahahahaha lol.
kala ko sa pagtulog ko kasi nung isa araw iniba ko ayos ng unan ko then hanagang sa mabangit mo yang ninja moves mo naalala ko tuloy nung isa araw hahaha
anyway, di ko na uulitin un kasi mas lalo ako di maka ninja moves pag ganitong robot leeg ko hahaha thanks buddy!
ung isang journal negative na, dun sa isa baka may chance pa kahit konti hahahha :P
Anyway may nagtanong nb dun kung meron na? wala pa noh? wahahaha!
pero honestly nababahala na ako, kasi ayon sa mga pag babasa basa ko pag medyo matagal na raw baka may malalim daw na dahilan, mga slip disc ba un =(
Mukhang nahawa na ata ako sayo @Emman1986 sa kakasipat sa chicks... este sa stiff neck! Haha!
Seriously though, stiff neck din ako ngayon. Nagkamali ata ako ng form dun sa push press ko kahapon. I think I might have tweaked or strained some muscles sa traps and neck. =(
jan nga masakit ung sakin sir orly kahapon nag pamasahena lang ako. diba malamig din ngayon jan sa riyadh? sa tingin mo nakakaapekto ung lamig? nung summer kasi wala naman ako na eexperience na ganito? let me know how long ittagal nya at ano mga ginagawa mo
Sa tingin ko, nakakaapekto nga yung lamig especially pag may spasms or DOMS especially sa stiff neck. Nasa 8-14 degrees din dito ngayon eh. Pansin ko kasi, pag malamig, very stiff at sobrang sakit igalaw yung muscles, pero pag na-warm up na, medyo nababawasan ng sakit.
What I usually do sa ganitong instance, hot compress lang to loosen up the muscles and relieve some pain. Pag masakit talaga, pahid pahid ng mga anti-inflammatory gels or inom ng painkillers. Yung massage na ginawa mo rin is a good idea, problema lang, wala akong tagamasahe dito. Haha!
same here, pag asa labas din ako masakit pero pag asa room na, di na kagaya ng asa labas. ginagawa ko rin mga nabangit mo ang pinag tataka ko lang ang tagal na kasi. simula ng nagwinter dito baka kako may serious thing na. ano ba posibleng sunod na mangyari kung di mawala ung tiff neck? halimbawa ibang injuries?
Una sa lahat, evaluate mo kung pano ka matulog. Bed, pillow and sleeping position can cause stiff necks. Subukan mo mahiga sa harder surface, smaller pillow etc. See if it improves. Kung naging ayos, you found your root cause.
Pangalawa, evaluate activities/movements that further irritates your stiff neck. Just an analogy, imagine mo sugat yan, pag ang sugat laging nagagalaw or nabubugbog, matagal talaga gumaling yan or it might even get worse. Avoid possible activities/movements na nakakaapekto sa stiff neck mo.
And lastly, ayun nga, pag di pa rin masolve, I think it's time for you to visit a doctor or chiropractor para ma-evaluate ka ng maayos. Mahirap kasing masabi kung wala naman tests or evidence that points out to either an injury or structural damage. Only a specialist can help you with that.
Okidoks?
Hope this helps
sa pagtulog po,nagawa ko na po yung sinasabi nyo. advisable kaya na wag muna mag unan? na try ko minsan kaso parang ang baba ng ulo ko hehe
sa usaping movement naman po, sa training sa gym dun lang po talaga nagagmit ung muscles ko kasi sa work naman hinde po. last deadlift day ko po, ramdam ko un so san po wag nyo i aadvise na tumigil muna ako bumuhat hahaha
regarding sa doctor, may nahanap na po akong chiropractor di ko palang napupuntahan pero kalimitan po ba ano ginagawa nila sa pasyente? manghihihlot din po ba sila or puro gamot lang din ibibigay sakin? salamat kuya
THIS! hahah no worries sir V, sa larangang yan professional ako jan kaya sigurado kong asa tamang WU bago sumisid LOL hahaha
base sa google nung tinaype ko yung " levator scapula muscle " at lumabas ung mga images jan nga po masakit talaga
kung di po pwede gawen ung warm compress ng every 3-4 hours, sa gabi matulog gano po katagal dapat?
yung mga NSAID po, epektibo po ba talaga ung na kahit di na ako mag warm compress? or massage massage na yun? currently ung tiger balm ung ginagamit ko nakalagay sa label " for neck and shoulder " almost 2 months ko na rin ginagamit para namang di nag babago, masarap lang i apply bago matulog hehehe
mga chiropractor sila yung naga adjust ng mga bones to relieve pressure in between joints and cartilages (i'm not sure about the cartilages. again my anatomy is fuzzy hehe... tagal na kasi) na nagbibigay sa atin ng discomfort.
example nalang sa back. since lagi tayong nakatayo, there is pressure in between spaces in our spine which can cause discomfort and pressure. and shempre kasama na din yung pull ng mga muscles sa bones. ima massage muna nila yung likod mo to relax na muscles that are connected to the spine to release tension then crack your spine to relieve pressure. Nakakatakot yung sa neck kasi akala mo papatayin ka nila pag pinatunog nila yung leeg mo. hehehe...
it's relatively safe naman to visit a chiropractor since mga professionals sila with licenses. but in most cases of an injury like muscle strain, sprain, etc. it's better to consult a physician then go to a Physical Therapist. after ma rehabilitate ng Phisical Therapist, kami namang Sports Science ang maghahandle sa strength and conditioning with the contraindications provided by the Physical Therapist.
Warm compress is a natural method kasi. since "stiff" nga yung muscle, warm compress helps na palambutin yung muscles mo para maigalaw mo. 15 minutes ang warm compress. mind you lang po na magkaiba ang warm sa hot ha. baka mamaya sobrang init naman malapnos yung balat mo hehehe...
regarding sa NSAIDs, yung words na Anti-Inflammatory Drug helps to ease the paninigas. i think tiger balm is Methyl Salicilate? same as Efficascent Oil (tama ba spelling ko? hehehe) Iba po kasi ang Fastum eh. I usually use fastum kung hindi na tolerable yung pain. pero okay lang naman, deep tissue massage nalang using tiger balm. kami nga katinko lang eh hehehe...
(sorry for the long post)[/align]