Project Gori
bigboygori
Posts: 34
Hello mga idol! Baguhan po ako dito sa PBB! Solid tong website na to, sobrang marami akong napupulot na aral tungkol sa workout at nutrition.
Comments
Salamat kuya Mighty_Oak! Eh kasi bata pa ako gusto ko na maging pulis, eh bata pa ako mataba na ako, hanggang mag 19 years old ako, dun ko naisip na hindi ko maaabot yung pangarap ko kung 280lbs ako haha! Kaya ayun kuya, nag simula na ako mag gym. Sa una mejo nakakatamad, hindi consistent ang buhat at diet ko, nakaka down pa yung matagal na resulta. Pero hindi ako sumuko, hindi ako nag quit. Hanggang sa nag umpisa na lumabas yung resulta, napapansin din ng mga kakilala ko na pumapayat na ako, ayun ang nag tulak sakin para pag butihan pa sa pag bubuhat. Hanggang sa na adik na ako haha! So far eto na ang nakukuha ko, 2 years na din ako nag bubuhat kuya.
Sa lahat ng Kuya dito sa PBB, hello sa inyo! :sport:
post ka sir ng mga failed to success stories lift and nutrition para rak!
Ayun nga kuya, base sa post ko sa taas. At dahil isang araw pagka gising ko, nakita ko sarili ko sa salamin at nandiri ako. Kaya ayun! Nag umpisa ako mag gym kasi niyaya ako ng 2 kong kabarkada, so sinubukan ko. Sinuportahan pa ako ng erpat ko nun, sinamahan pa ako nung unang araw ko mag gym (parang nursery lang lol). And napansin ko din simula nung pumayat ako, hindi na ako mahiyain tulad nung sobrang taba ko pa. Nawala din lahat ng sakit na nararamdaman ko sa katawan, at hindi na ako mabilis mapagod. Dati pag gumamit ako ng hagdan kahit isang floor lang, hinihingal na agad ako. Ngayon iba na lahat, sobrang sarap na sa pakiramdam. Nakaka adik! :sport:
Hmmm, sa pag bubuhat ko nung mga unang buwan ko kuya, hindi pa seryoso kaya ang bagal talaga ng result ko nun. Mga first 6 months siguro yun kuya. Nangangapa palang kasi ako nun sa gym kuya, tsaka tamang research palang din ako nun, subok subok ng iba ibang exercise. Tapos yung diet ko pa nun hindi consistent, minsan pa nga 1 araw okay ang diet tapos yung susunod na 5 araw sira sira na ang diet haha! Nung nabagalan ako sa result, dun ako mas nag seryoso sa workout and diet kuya. Tapos ayun na, tuloy tuloy na ang pag payat ko. Mag 2 years na din ako hindi kumakain ng kanin kuya, as in wala talagang kanin. Sa umaga oatmeal lang ako at saging bago mag gym, umaga ako nag gym dahil may pasok ako sa school tuwing tanghali hanggang gabi. Tapos sa tanghali pagka galing ko ng gym, bago ako pumasok sa school kumakain ako ng 2 slices ng wheat bread na may peanut butter at 1 lata ng tuna solid in water at 4 na itlog. Pero nung tumagal tumaas cholesterol ko kaya tinigilan ko na yung itlog, kinakain ko kasi pati yung dilaw, iniisip ko kasi sayang 20 pesos ko kung itatapon ko yung dilaw haha! Ayun, tapos sa gabi naman kinakain ko 2 slice ng wheat bread ulit at peanut butter, tapos kung ano yung ulam namin, pwera nalang kung mamantika or sobrang maalat yun.
Oo kuya, tuloy tuloy na to! Pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na ulit pababayaan sarili ko, hanggang tumanda at mamatay ako, mamamatay akong macho! Nakita ko nga yan picture ni Ronnie nung mga unang buwan ko nag bubuhat kuya, nag hahanap kasi ako ng picture ng pulis na malaki katawan, nag google pa ako tapos ayan ang lumabas! Na inspire ako HAHAHA! :sport:
haha! sige kuya ipakita mo sa kanya to. Sana mamotivate at mainspire ko sya para mag switch na sa healthy lifestyle
tuloy tuloy lang malamang
pangsabak na yan after 1 year.
welcome sa PBB
salamat kuya! Sana nga kuya haha! Gagawin ko ang best ko para makakuha ng magandang resulta bago mag tapos itong 2013
Salamat kuya! :sport:
Salamat kuya! Nakita ko journal mo kuya, gusto ko maging kasing laki mo HAHA! :sport:
Salamat kuya! Masaya ako at nakaka motivate at nakaka inspire ako ng iba
Salamat kuya! Kung kaya ko, kaya din ng iba. Gusto ko makita po ng iba na hindi imposible pumayat yung mga sobrang taba
Salamat kuya :sport:
Kudos to you kapatid!
at astig ng transformation mo...cheers
Sana yung back story mo dun mo na nilagay sa first post mo hehe.
Impressive transformation bro!
Nice physique na. Nice upper body, how about your legs bro do you train them as well?
You might want to share your day to day training, nutrition and supplementation here para mas makatulong sa iba.
Life changing 2 years!
Salamat kuya! Nakita ko journal mo kuya, gusto ko maging kasing laki mo HAHA! :sport:
[/quote]
di malayong mangyari yun. you have the height and your still young. keep it up!
Salamat kuya! sabi nga nila "It is never too late to be what you might have been" haha :sport:
Salamat kuya!
HAHA! galing sa slam dunk at sa apelido ko yung "GORI" kuya, muka daw kasi akong gorilla nung mataba ako, ang laki ko tapos maitim pa HAHAHAHA :P
Salamat kuya! HAHA! iedit ko nalang kuya, mejo natatanga pa ako sa pag gamit nitong forum :duh:
Oo kuya nag legs din ako, squats, leg press, leg extension, calf raise atbp. Hindi lang halata sa picture yung legs ko kuya haha! Pero kahit papano meron na din nabubuild na muscle. Sige kuya post ko maya yung mga kinakain ko. Ang supplement ko kuya Whey protein lang, ON GS, pero ngayon mag palit ako ng Mutant dahil naubos na pera ko pinambayad ko sa gym HAHA! Sa baon ko kasi kinukuha yung pang gastos ko sa gym at pagkain hehe.
Salamat kuya! Oo kuya, talagang life changing, simula nung pumayat na ako lahat nag bago.
di malayong mangyari yun. you have the height and your still young. keep it up!
[/quote]
Oo kuya, pag iigihan ko pa talaga sa pag bubuhat, bisyo na to haha! :sport:
and this is the first thread i've found....
Very good transformation indeed....kudos to you sir...2 years well spent...
Salamat kuya! :sport:
Goodjob! Cheers!
Salamat kuya! :sport:
Sige kuya, wait lang
MONDAY - Chest/Triceps
Incline Barbell Bench Press - 10/8/6reps (stuck 120lbs 6reps)
Flat Barbell Bench Press - 10/8/6 reps (stuck 120lbs 6reps)
Incline Dumbbell Chest Press - 10/8/6
Flat Dumbbell Chest Press - 10/8/6
Close Grip Barbell Bench Press - 12/10/8
Machine dips - 12/10/8
vbar cable pushdown - 12/10/8
rope pushdown 12/10/8
TUESDAY - Back/Biceps
Barbell deadlift - 10/8/6 (stuck 190lbs 6reps)
Lat pull down - 12/10/8
reverse grip lat pull down - 12/10/8
barbell bent over rows underhand grip - 12/10/8
long bar row 12/10/8
ez bar bicep curl wide and close grip - 12/10/8
dumbbell alternate bicep curl - 12/10/8
barbell forearm curl 100reps 4 sets
WEDNESDAY - REST
THURSDAY - Shoulders/Traps
Barbell Military Press - 10/8/6 (stuck 70lbs 6 reps)
seated dumbbell press - 10/8/6
side lateral dumbbell raise - 12/10/8
dumbbell front raise - 12/10/8
bent over lateral raise - 12/10/8
dumbbell shrugs - 12/10/8/6
barbell shrugs - 12/10/8/6
FRIDAY - Legs
Barbell Squats - 10/8/6 (stuck 120lbs 6reps)
leg press - 10/8/6
leg extension 12/10/8
hamstring curl 12/10/8
standing calf raise 12/10/8
Ayan po ang workout routine ko mga kuya. Na stuck na po yung Big 3 lifts ko nitong 2 buwan, hindi ko po madagdagan. Minsan pa nga mas mahina pa ako, hindi ko maramdaman na lumalakas ako. Nakaka frustrate na mga kuya, tama naman kinakain ko, di ako nag pupuyat, di ako umiinom, di ako nag yoyosi, pero ang hina ko pa din. Tapos dahil nga ganito ang sitwasyon, nakakaramdam na ako ng katamaran mag workout. Hindi katulad dati, kahit araw araw pa ako mag gym ayos lang. Ano ba dapat gawin mga kuya? Di naman ako tumitigil mag workout, 4 months straight na ako nag bubuhat.Saturdays mga kuya may american football ako. Tapos sunday is family day, so rest day ulit.
How much or what is "tama" for you when it comes to nutrition? can you give us a rough example of your meals pre and post workout?
Eversince you started lifting have you ever tried doing any form of strength training program in order to establish your "base strength"?
How is your form in the compound lifts? are they "proper" at the very least?
also 4 months straight as in no rest week?