Hello
Jinforbes
Posts: 29
Mga tol dati na ko nag bubuhat naka 7 mos na ko tumigil lang kasi ako nag kamali pa nga ako nun kasi sa kagustuhan ko lumiit tiyan ko ayon lumiit din katawan ko pati braso mali ata ako sa diet. nag umpisa ulet ako ngayon nag start ako from 71 at ngayon 75 kilos na nag gain ako sa loob ng 3 mos Pero parang gusto ko ganito lang yong timbang ko over weight na ata ko eh at medyo lumaki ang tiyan. Sexy body lang naman gusto ko mga tol Sana may makatulong sakin kahit mag ka idea lang ako baka kasi mali ginagawa ko eh. Bali 1 cup Rice na lang ako ngayon balak ko mag abs na. Tama ba ginagawa ko??
Comments
boss di ba masyado madami ung 10eggs after workout?
lift heavy sir, lalabas din yang abs na yan.nakatago pa lang yan.
Either your maximum weight you can lift on a given exercise on a single repetition or as much as you can...
[size=x-small][EXAMPLE][/size]
Bench Press - 200lbsx1rep (power) [size=x-small]or[/size] Bench Press - 100lbsx35reps (endurance)
Kaya ka naman nagtatake ng whey dahil sa hindi mo naco-cover yung minimum amount of protein na kailangan ng katawan sa loob ng isang araw. Kaya ok lang kung pa-hinto hinto, basta naco-cover mo yung protein intake mo from other sources...
Una sa lahat, gumamit ka ng comma o period. Naduling ako sa derederetsong statements hahaha.
Pangalawa, subukan mo ilista dito ang tipikal na kinakain at iniinom mo sa isang araw at doon namin titingnan kung ano dapat kailangan mong gawin.
Pangatlo, mag lagay ka ng legs workout o/at cardio kung tinatamad kang mag squats. Yun ang surefire way para mawala ang tiyan.
@mikol22 OK lang ang 10 eggs kung hiyang sa kanya. Sa ibang tao kasi e, pimpols o high blood bagsak.
@mikol22 bali 2 days naman yon 6 tas 4 kinabukasan
@core yon pala yon salamat sa info
@berdugo2014 sige sige malakas ako ngayon sa tubig sir di lang 8 glass ata naiinum ko sa isang araw. nag squat din ako kaso 90lbs pa lang kaya ko . Nag cacardio din insanity ginagawa ko pag rest day. Sa Pag kain naman ! 1 cup rice na lang ako tapos may 2 boiled egg lage sa meal. Malimit kasi gulay at isda lang ulam ko .
ah, mejo nanibago lang siguro ako kse max ko na egg sa isang kainan is 3 eggs lang hihi nauumay kase na ako...
@beardugo2014 yon na nga eh kasi 1st 2mos ala ala ako diet dami extra rice actually kaka start ko lang mag diet ng 1 cup rice sa meal. Tapos sa Squat naman 1 mos pa lang eh. Pero puro Heavy na talaga buhat ko simula nun. Last week lang ako nag start mag ABS like crunches??? okay lang ba yon ??? Ang gusto ko kasi lumiit lang tiyan ko may korte na kasi katawan ko laki lang talaga ng tiyan. Tama ba ginagawa ko ??
@JinForbes tama naman ang crunches at squats. Hintayin mo lang unti unting lumiit for the next few months. Since, 1 cup of rice ka na lang, ano ba ang alternative sources mo ng carbohydrates? Personally, mas recommended ko mag 1 cup of rice per meal lang muna kaysa 1 cup of rice sa buong araw. Babawasan mo na lang uli ng rice pag sa tingin mo, dapat ka ng mag 1 cup rice. Lifestyle change kasi habol dito, pag binigla mo ang sarili mo sa isang diet, magsasawa ka agad.
mahilig ka bang mag softdrinks? fruit juice? milk tea? ito usually dumadale sa mga barkada kong nasa fitness din...
@beardugo2014 1 cup of rice nga ako ngayon per meal di na ako nag sosoftdrinks , gatas lang iniinum ko minsan vitamilk , malakas ako sa saging yan kasi kinakain ko eh..Nag ka mali kasi ako dati ng diet talaga kaya nag tatanong ako ngayon yoko na maulet yon .. okay na ang mutant mass na supplements??? pwedi kaya sakin yon ?
Nakita mo ang nutritional info ng Mutant Mass?
pampataba ito. Whey kunin mo, hindi mass gainer. Meron naman Mutant Whey pero wala akong idea sa product na ito. Check mo sa net ang mga whey. Mura na nakita ko Promatrix7. Personally, type ko Musclepharm kasi lasang cake hahaha. Habol mo naman generally, high protein at low calories. Kahit di ka nagbubuhat, nakakatulong ang Whey sa pagbawas ng tiyan pero dont expect a miracle at magkaka abs ka na after 1 tub ng whey. Kailangan parin exercise.
Kung wala kang time maghanap ng whey, maghanap ka ng pagkain na mataas ang protein content, steamed tilapia o chicken for example. Check mo recipe ng hainanese chicken, sa tingin ko kung may rice cooker ka, mag eenjoy ka sa paggawa nito.
Bananas - limit mo sarili mo up to 2 large pieces a day. Siguro dagdagan pag nagbubuhat ka sa araw na iyon para sa benefits ng Taurine. Considered kasi ang saging na pampataba pag maraming nakakain
@beardugo2014 meron sa starmall ang problema lang ang konti ng whey dun sabi nila pang dalawang templahan , pero dun sa binibilihan ko yong dalawa sa starmall isa lang dun. Hindi ko alam kung alin dun ang tama hahaha. Pero same ng lasa yong sa Ryza naman bumili ako ng whey pero di masarap kaya di na ako umulet. Lage din naman ulam ang tilapi at manok yon nga lang di steam ilan ba klase ng whey?
teka sang Starmall ka malapit?
ok naman pala food mo e, exercise at tulog na lang at kumpleto na ang program mo
@beardugo2014 oo meron nun sa second floor sa starmall nakasachet 90 nga yon eh tapos konti.haha sa tulog ata problema ko kasi RESCUE ako ng BRGY. PUTATAN 12 hrs Duty. 5 to 6 ours lang ang tulog ko. May sinabi ka na TEA pang papa loss fat ba yon ??
@beardugo penge naman ako ng madaling crunches ang hirap kasi yon napapanuod ko sa youtube. di ko matapos repetition salamat sa info
baka ung naka sachet eh ung mga sample na not for sale! hehehe kasi ung isang owner ng supp shop dto malimt mamigay ng mga ganung sachet (gaspari, bsn, muscletech ) hehehe pasok na pasok sa oatmeal hehehe
pinaghahalo mo ba whey at oatmeal?
nasubukan kong pinaghalo ang whey, gatas at muesli. major mistake for me
check mo ito - McGill Curl Up
http://www.menshealth.com/fitness/core-exercises
sakeeeeeeet
pero planks at sideplanks are shockingly effective
hahaha
tnx sir
yong sa avatar ko ngayon resulta medyo bumabakat na konti yong abs ko hihihi malaki pa rin lower. Medyo mabagal ba pag liit 1 mos half na kasi ako simula nag umpisa
Bro, Did you hit your legs?
bakit naman mag kaka bukol?yong avatar ko latest pic ko di ako marunong mag upload eh..pumapasok sa ibang site
Or you mean...
...i-tag yung image dito sa pag-post sa mga threads?
...i-update yung 'Latest Photos' tab [size=x-small](right side)[/size]?
@core dito sa post ko di ko kasi ma upload eh di ba tol may nakalagay na "Upload Image
Upload your images to tinypic and integrate them into your post easily." tapos ilalagay ko na kaso pag tapos na di naman na aupload yong pic.
You mean tag? Get the img URL then paste inside the img tag attribute.