Papayat din ako :)

good day gents

i decided to post a journal para makakuha ng inputs regarding my plans to cut down on fat.

i used to weigh 220lb before then went into strict diet then biking and running and my weight dropped to 170lb. after a couple of years, i gained 10lbs since im unable to do the stuff i used to do after i moved to HK to work.

now, i have decided that's it's time i take action and i was highly motivated by the other guys who posted their own journals. i'll try to find time to post a recent pic for reference.

below is the program i have selected and im planning to do the first day tonight.

http://www.bodybuilding.com/fun/jim-stoppani-six-week-shortcut-to-shred.html

i chose it since i think it's more focused on cardio which can help me achieve my goal of losing fat.

Supps im taking were L Carnitine and Met Rx Meal Replacement.
Misleading tong Met Rx, sa harap ng packaging nakalagay Meal Replacement tapos sa fine print, sabi do not use as meal substitute.

Ginamit ko na lang as protein source after workout.

Comments, good or bad are most welcome.
Pagpasensyahan na lang since im a noob when it comes to fitness.

Btw, i chose L Carnitine kasi walang available na Green Tea sa mga shops here in HK. also, i chose the cap form kasi i tried the liquid form before and parang masyadong acidic so may pain sa stomach ko. forgot the brand of the liquid one, parang Scitex or something.

Comments

  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Goodluck brah! :)
  • JettieJettie Posts: 3,763
    Goodluck sa goal brah,

    Maganda kung may day 1 pictures ka for your own preferences at matulungan ka ng mga CLass S na halimaw dito!
  • will try to post pics pag nakahanap ng time sa bahay. blocked kasi dito sa office ang photo sharing sites :(

    baka merong pwedeng magbigay ng feedback sa daily meals ko:

    morning:
    1 L Carnitine cap sa bahay.
    half a cup of instant oatmeal with 2 espresso shots on the side pagdating sa office

    lunch: usually fish fillet, or sirloin steak (6oz) or chicken fingers for meat then 2 baby potatoes and quarter bell pepper. grilled lahat

    afternoon: 1 L Carnitine cap ulit :)

    post workout: Met Rx meal replacement

    dinner: same as my lunch

    pansin ko lang ang lakas maka suppress ng L Carnitine. dito sa office ko halos lahat may kinakain once in a while, from chips to biscuits and before taking L Carni, kasabay nila ako kumain. ngayon, lumilipas na yung araw, parang di pa rin ako gutom.

    is this good or bad? kasi deficit sana target ko for now para mabawasan ng konti ang taba taba ko :)

    tia
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    welcome s PBB brod :)

    post ka ng larawan mo brod gaya ng sabi ni sir jettie :) para mas marami maka pag bigay ng constructive criticism :) Tapos basa basa ka sa mga thread dito kasi dami ka matutunan at tanong ka na rin dito sa journal mo or sa ibang thread kung may di ka maintindihan tyak madami sasagot sayo :)

    good luck brod :)
  • thanks bro.

    did the day 1 in my program. medyo hindi ko lang nasunod strictly yung cardio acceleration part in between sets. hindi kasi ako comfortable ng walang stretch in between so i decided to hit the threadmill na lang after. had my post workout drink then dinner.

    will do day 2 today and sana i can keep this up.

    have a good day gents :)
  • completed days 2 & 3 of the program. still didnt do much of the cardio acceleration in between since my legs are still hurting from the squats from yesterdays set. first time ko mag squat ng maayos and i really felt the impact.

    i compensated na lang with cardio on the bike after the workout.
    deficit pa rin sa food intake except last night. may event sa office so wasnt able to help myself with jap buffet which happened to be my fav :)

    last pack ko na rin for today ng Met-Rx so will shift to ON GS by tomorrow.
    still thinking kasi sayang yung protein difference. 39g sa Met Rx tapos 24 sa ON.
    kakahinayang lang kasi nabili ko na tong ON last year and hindi nagamit kasi hindi natuloy ang program ko.

    will try my best to upload a pic hopefully this weekend para na rin may reference.
  • relax lang sa food, just eat like a normal person but make sure you have enough protein on your meals. the exercise will do the trick basta hindi ka on and off sa gym.
  • thanks for the input bro.
    medyo ginanahan lang sa shift kasi i bought a George Foreman grill.
    3 yrs nako dito sa HK and I never cooked my own food. puro sa labas ang kain.

    kaya when i decided to be serious in a program, i bought the easiest option which for me is the Foreman grill :)
    nag eenjoy na nga ako sa supermarkets ngayon.
    nawiwili na sa kakatingin ng pwedeng ulamin.

    marami rin akong natutuhan kakabasa dito lalo na yung sa food intake.
    medyo natingin nako sa nutri info ngayon unlike dati kain lang ng kain ng walang pinipili.
    panalo pa naman yung mga Groupon deals ng buffet dito sa HK.

    will try to do my best para hindi malihis sa program.

    concern ko talaga ngayon is yung strength.
    sobrang baba ng mga binubuhat ko. nauuna pang tamaan yung joints ko kesa body part mismo.
    like kanina while doing preacher curls, mas masakit yung joints sa elbows kesa biceps mismo.
    feeling ko naman tama ang form kasi nasa preacher nako kaso liliit pa rin ng plates na nailalagay ko.
    sana balang araw e madagdagan.

    tanong pala since hirap nga ako sa heavy weights.
    may added benefits ba ang more reps pero lighter weights? or dapat talaga working weight talaga?
  • image_zps96477dfb.jpg

    current photo.
    sana'y mabawasan kahit kaunti :)
  • kept up with my program minus the cardio acceleration.
    tried ON this morning and felt bad.
    since matigas ulo ko, tried it again 10 mins ago and parang kumapal ang mukha ko.
    semi hilo and slight headache.
    wont drink this stuff again.
    sayang, sobrang ganda pa naman ng solubility nito.
    walang chunks.

    wala akong allergy sa kahit anong pagkain.
    ngayon ko rin lang naramdaman tong kumapal ng literal ang mukha ko.
    kalimitan kasi ibang kapalmuks e.
    hehe!

    will go back to MetRx na lang
  • SystemSystem Posts: 109
    Bro didn;t understood some of your post only the part about the ON you sellin that tub of yours?
  • sorry bro, already gave away the 5lb tub to a colleague here.
  • rtravino29rtravino29 Posts: 1,549
    Im using one of jim stoppani's program. " THE SMART MAN'S 12-WEEK PROGRAM " . tweaked some of the reps on compound exercises, ( 5x5 instead of 3x12). Trying to master form before moving up to more advanced program,
    anyway, good luck on your goal bro! :)
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    pangyao, macao lang ako dapat sakin mo nalang binigay yung ON ddayuhin kita jan sa hk at i guest mo ko sa gym mo hahaha :)

    Advise ko lang sayo bro kasi eto rin advise sakin, try mo lang muna ung training na basic :)
    Tapos gaya nga ng payo kalimitan dito sa site, eat lang ng eat lalo yung ma po-protein na pagkain tapos workout :) Observe it ng mga ilang buwan :) Pero depende rin talaga sa tao, kung gusto mo agad i try ung kay jim stoppani, ok lang din kasi sabi nga, "different folks different strokes" :) Good luck pangyao!
  • naku pang yao sensya na.
    talagang nabadtrip ako kahapon nung uminom ako ng ON.
    kaya tinanong ko yung katrabaho ko kung gusto nya.
    nag iba timpla ng katawan ko kahapon e.
    balitaan mo ako bro pag mapapadaan ka dito :)

    regarding the program naman, i chose this kasi gusto kong mapilitan na mag gym.
    tamarin kasi ako and laging makakahanap ng excuses na hindi mag gym.
    i enrolled sa gym malapit sa office, went once and then didnt go back after more than a year.

    salamat sa payo regarding form. medyo nahihirapan ako lalo na sa compound lifts kasi first time :) and now im quite happy kasi yung pagpunta na sa gym ang hinahanapan ko ng excuse.

    ie today, 10a - 7p ang work ko. as always, di ako nagising ng maaga and late pumasok sa work. so ill just go to the gym mamayang lunch break. regarding food, i prep my food for the next day when i cook dinner at home para no excuses to eat unhealthy food.

    dito pa naman sa HK, pag local ang kasabay ko mag lunch, puro dim sum lagi so since may baon ako, nakakaiwas sa medyo oily food.

    @ Emman,
    bro, may sample ka ba nung basic training? para ito naman isusunod ko after nitong 6 weeks ko.

    last q, kung cutting ang goal ko, makakatulong ba kahit hindi deficit ang food intake?
    or mas beneficial kung deficit tapos may protein supp?

    tia...
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    eto para sa akin ang simple workout :)

    Day 1: Pecs / Triceps

    Inclined BB Bench Press
    BB Bench Press
    Dips
    DB Flyes or Pec Deck


    Closed Grip Bench Press
    ez bar french curl (standing)
    Pushdowns


    Day 2: Back / Biceps

    Pull-ups
    Chin-ups
    Deadlift
    T-Bar Row or BB Rows
    WG Lat Pulldown
    Underhand Pulldown

    BB Curl
    Hammer DB Curl
    Inclined DB Curl / 1 arm DB Preacher Curl

    DAY 3 :REST

    Day 4: Shoulder / Abs

    BB Military Press
    DB Press
    DB Side LAteral
    Upright Row
    Front Raise
    BB Shrugs


    Day 4: Legs / Some Biceps

    BB Back Squat
    Leg Press
    Legs Extension
    Lying Leg Curl
    Standing Calf Raise

    BB Curl


    try mo yan, kung ramdam mo may good progress sayo, tuloy mo or kung wala, pwede ka magdag or magbawas :) Iba iba kasi katawan naten :)

    Basta warm-up ka lang bago mag simula especially kung compund lifts ung tititrahin mo :) 2 WU then 3 WS :) yung reps naman depende sayo at sa bigat basta make sure na minimum 6 reps or above kung mabigat sayo ung poundages at syempre in good form :)

    post ka ng recent picture mo pangyao para makita ng mga master dito kung ano pa pede nila maibigay at maitulong na payo sayo :)


    ** supplement + good and healthy foods + good training = ????? ;)
  • salamat bro. nag lagay ako ng pic nasa first page ata. sana mabawasan kahit konti ang mga taba taba ko :)

    try ko yang suggestion mo bro after nitong current program ko.
    nasimulan na kasi so medyo nanghihinayang ako mag shift agad :)
  • zinedreizinedrei Posts: 33
    been off for almost 2 weeks.
    went back home and puro kain lang ginawa ko :)
    bawi bawi ulit.
    wala ring time mag gym kasi spent all of my spare time with my kid.
  • zinedreizinedrei Posts: 33
    bought MP Combat yesterday from suking tindahan and tried it before sleeping.
    im thankful na hindi ko na experience from MP yung naexperience ko from others so at least may option nako.

    recently kasi im trying Protein Ice 42g from ANSI and it tastes so good. yun nga lang, sakit sa bulsa.
    back to the gym na ulit last night and will continue to stick to my program.
    di na ulit ako nakapag weigh kasi puro kain ako last week.
    next week na lang ako mag che check kung may progress.
  • Emman1986Emman1986 Posts: 1,819
    Pangyao, switch ka sa on hydrowhey sarap ng lasa mas masarap pa ke mp combat. At syempre mas mataas ang profile ng hydrowhey :-)
  • zinedreizinedrei Posts: 33
    tagal din since my last update.
    had the guts to check the scales last night and im quite happy since i lost 10 lbs since i started. this got me more motivated to keep on going.

    bought some new supps today as a reward for myself :)

    Now Green Tea
    MP CLA Core
    Dymatize L-Carnitine - try lang since walang stock ng Now

    @ Emman1986,
    try ko next time yang ON Hydrowhey after nitong MP Combat. Parang saglit lang tong 4lb tub ko. medyo masarap kasi and highly soluble so hindi nakakatamad magalog ng shaker :)

    medyo focus pala ako ng konti sa cardio these days. at least 5km per day since I wanted to try HIIT.

    parang eto problema ko ngayon, andami kong gustong subukang gawin sa gym pero konti lang ng time. next week uwi ako for a few days, tigil na naman diet ko for sure. bawi na lang sa takbo every evening.
Sign In or Register to comment.