hardcorps: Pain and Gain

Nag-decide ako gumawa ng journal para mas matulungan ako ng mga senior at mga veterans na sa gym, mga 2 weeks na din akong hindi nakakapag gym dahil sa sobrang higpit ng schedule ko dahil matatapos na ang semestre. Pero plano ko na uli mag gym sa darating na march, hindi pa ako makapag gym ngayon feb kasi masyadong madaming ginagawang projects at busy sa pag-rereview sa exam. Gusto ko sana makahingi ng payo sainyo mga sir kung anong magandang routine ang pwede ko gawin kapag nag gym na uli ako. Bulking up talaga yung goal ko. Ito yung mga latest photos ko.u1fv.jpg
4us7.jpg
lv5s.jpg
04hp.jpg

Comments

  • RayKriegRayKrieg Posts: 577
    Kain ka lang ng kain bro. Tapos eat every 2-3 hours. Anraming program na pwede pagpilian bro. Tapos wag mo na hintayin pang mag march para mag buhat ulit. Be consistent bro. Goodluck nalang! :))
  • CoreCore Posts: 2,509
    [size=x-small](*Repost from 'What is the fat belly fat loss exercises' Thread)[/size]
    hardcorps wrote:
    Core wrote:
    hardcorps wrote:
    Advisable ba na mag jogging kahit nagpapalaki? Kasi may mga nagsasabi sakin na kapag nagpapalaki daw hindi dapat mag jogging pero I've decided na dito kumonsulta kasi mas experienced sa gym yung mga member dito :) gusto ko kasi mabawasan yung taba sa tiyan ko, ano kaya maganda gawin mga sir?

    Mamili ka muna sa dalawa, bulking o cutting?
    May journal ka ba?

    Bulking sir. Pero nag si-sit-ups padin ako, pero hindi ko pa sinubukan mag jogging uli nung nag buhat na uli ako, pero yung sit ups ko parang nawawalan ng effect kasi kakain din ako ng marami. Pero bulking talaga yung goal ko.

    Inevitable na magkakataba around dyan sa abdominal area mo during bulk. Pero pwede mo maminimize yan if you're consistent monitoring your macros.
  • JettieJettie Posts: 3,763
    wag ka matakot kumain ng marami, as long as consistent training mo sa gym, it will do its trick. Kain lang! Abuse the newbie gainz!
  • First time ko mag post dito, kung may malalabag man akong batas, paki inform nalang ako :D

    Sa pag kakaalam ko sa fat loss, kailangan mo mag heavy compound exercises. Mas effective ang weight training sa pag burn ng fats kesa cardio kasi mas malaking muscle, mas kailangan ng energy, in other words mas lalong bibilis metabolism m. Big muscles = faster metabolism. Kung di ako nagkakamali sa pagkakaintindi, bago ka palang sa pag wowork out. Mag focus k muna sa compound moves: bench press, barbell row, pull ups, deadlift, squats, etc...

    Isa pa, after ng weight training mo, around 8 hours tuloy tuloy ka padin nag buburn ng calories, laging ganyan nababasa ko sa mga articles. Unlike pag nag puro cardio ka lang, during the exercise k lang mag buburn, after nun hindi na masyado kasi hindi naman lalaki muscles m sa mga cardio exercises e, kabaliktaran mangyayari.

    About naman sa pag jojogging at bulking, di nman yata masama yun, wag mo lang iexhaust sarili mo. Tamang cardio lang. Basta wag ka lang mahihilig sa mga marathons kasi kabaliktaran ng bodybuilding yun.

    Sa pagkain naman, dapat mag concentrate ka sa protein. kasi muscle=protein. kailangan mo din ng carbs para sa energy pero wag mo masyado damihan. max na 1.5 rice siguro para di lumaki tiyan mo. wag din matakot sa fats as long as good fats. Iwas junk foods. :-)

    *kung may mga mag aargue man sa sinabi ko, paki sabi nalang sa maayos na paraan. Madami kasing tao na pag nakaramdam ng kasalungat, kung ano ano na sinasabing masama kahit irelevant naman. Opinyon ko lang naman to upang makatulong, itama nyo nalang pag may sinabi akong mali. :-)
  • CoreCore Posts: 2,509
    Yung sa last part lang...
    eydriyans wrote:
    kailangan mo din ng carbs para sa energy pero wag mo masyado damihan. max na 1.5 rice siguro para di lumaki tiyan mo.
  • Salamat sa inyong mga payo kaibigan. Nagbubuhat na uli ako pagkatapos ng mahabang at busy na schedule ko sa pag aaral. At nag come-up ako sa workout routines na ito.

    Chest, Tricep and Forearms

    Barbell Bench Press - 12 reps x 3 sets
    Barbell Incline Bench Press - 12 reps x 3 sets
    Dumbell Bench Press - 12 reps x 3 sets
    Dumbell Pullover - 12 reps x 3 sets

    Tricep Pushdowns - 12 reps x 3 sets
    Seated Tricep Extension - 12 reps x 3 sets
    Tricep Kickbacks - 12 reps x 3 sets

    Barbell Wrist Curls - 12 reps x 3 sets
    Dumbell Wrist Curls - 12 reps x 3 sets
    Reverse Barbell Curls - 12 reps x 3 sets

    Back, Biceps and Abs

    T-bar Rows - 12 reps x 3 sets
    Bent-over Barbell Rows - 12 reps x 3 sets
    Seated Cable Rows - 12 reps x 3 sets
    Deadlifts - 12 reps x 3 sets
    One-arm Dumbell Rows - 12 reps x 3 sets

    Barbell Curls - 12 reps - 12 reps x 3 sets
    Concentration Curls - 12 reps x 3 sets
    Hammer Curls - 12 reps x 3 sets

    Hanging Knee Raise - 20 reps x 3 sets
    Reverse Crunches - 20 reps x 3 sets

    Shoulder, Traps, Forearm and Legs

    Military Press - 12 reps x 3 sets
    Seated Dumbell Press - 12 reps x 3 sets
    Lateral Raises - 12 reps x 3 sets
    Reverse Flyes - 12 reps x 3 sets

    Barbell Shrugs - 30 reps
    Dumbell Shrugs - 30 reps

    Barbell Reverse Wrist Curls - 12 reps x 3 sets
    Dumbell Reverse Wrist Curls - 12 reps x 3 sets

    Leg Press - 12 reps x 3 sets
    Leg Extensions - 12 reps x 3 sets

    3 times a week lang ako mag buhat.
    Nag come-up ako sa program na yan since maliit lang yung gym samin at yan lang yung pwede ko magawa sa mga equipment nila.
    Regarding naman sa pagkain, hindi ko alam kung minsan tama kinakain ko kasi kung ano lang ihain ng mama ko yun yung kinakain ko. Pero kapag nasa school ako lage ako kumakain ng saging tapos balak ko na din mag laga ng itlog sa bahay at babaunin ko sa school.
    Sa pag tulog naman, ayos lang ba kung madaling araw na ako nakakatulog, pero tanghali naman ako nagigising. Pero nakaka 8 hours naman ako.
Sign In or Register to comment.