newbie

Hi mga boss! I'm mozar1234, newbie. :P

Naisip ko lang sumali dito para dagdag kaalaman sa pagbubuhat at mainspire sa mga success stories ng mga taga dito.

Ako'y may taas na 5'8" at sa ngayon ay may bigat na 143-145lbs. More than a year na akong nagbubuhat, may muscle gain naman, kaso nga lang nasa 17-20% (estimate lang) yung body fat percentage ko.

Ako ay may "skinny-fat ectomorph" physique, ibig sabihin hirap akong mag-pack ng muscle size, tapos madali akong magpack ng fat sa midsection (belly fat & love handles) tsaka sa chest area (man boobs =( ). Mula 140lbs nung October 2011, umabot ako ng 150lbs ngayong September 2012. Kaso nagkasakit ako ng 1week, at balik 143-145 ako. Sayang nga yung na-gain ko. Gusto ko sanang humingi ng advice sainyong mga beterano na!:blush: Kasi kahit anong gawin ko, hindi talaga nawawala yung excess na taba sa mga nasabi kong area. Sinubukan kong mag-restrict ng calories, pero mas mabilis nawala yung muscle size ko at nag-remain yung taba, kaya tinigil ko. Sinubukan ko rin yung running every morning kapag rest day, ganun din ang effect. Pano ba 'to mga sir?

Eto ako ngayon, ginawa kong monochrome yung picture para mukhang macho. Hehehehe. Wala akong masyadong picture ng front view, nahihiya talaaga ako sa chest area ko eh.
34t1ymf.jpg

Anyway, looking forward ako sa mga matututunan ko sa mga members dito! Kepp up the good work!

Comments

  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Welcome bro!

    Eat big, lift heavy and rest well. Usually that works tas tweak mo na lang where you see fit. I'll be posting an article for us skinny-fat dudes din so check it out.
  • ...up!
  • DalmasVektazDalmasVektaz Posts: 2,155
    welcome to PBB boss Mozar
  • redred Posts: 753
    Welcome bro!
    GL sa Goal!
Sign In or Register to comment.