Otep's Weight Loss & Get Fit Journey

24

Comments

  • patr3ckpatr3ck Posts: 185
    Good job sir! Nagiimpisan na tayong mga endo.hehe
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    sorry koya otep ako ay safyang tanga lan hahaha yang frenemy mo ba ay "jijital" weighing scale ba yan hehehe sorry wala ako sa wisho ngayun hehehe.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    ^ Yes bossing DSD :smile:

    Nakakita ako ng Tanita brand dito sa Saudi na may body fat at water monitor.

    Sinungaling kasi iyong analog scale ko eh :lol:
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    hahaha, so in short ung analog scale mo is ung "enemy" mo LOL!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Hehe! Matagal na rin kasi sa serbisyo iyong analog scale ko at madalas nawawala sa sentro.

    Ilang bagahe na rin kasi ng mga kapitbahay ko ang tinimbang doon hehe!
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    magad!!!nakakahiya na ko sa mga tao dito ngayon..ako na lang ang puro pacute lang...ahahaha..nagiimpisan na sila..love na love tlaga ko kasi ng beerbelly ko..ayaw pang maglayas tlaga...ahaha

    keep it up otep!!!
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Sabi na nga ba frenemy ang bagong timbangan :lol:

    Inugali ko na magtimbang pagkagising sa umaga pagkatapos maligo. I was down to 170.2 then up to 171.4 lbs. ngayong umaga :angry:

    :lol: :lol: :lol:
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    hehehe wag ma masyado magtimbang maya't mya koya otep lalo ka mafra furstrate ng ganyan kasi normally nagflafluctuate talaga yan dahit sa water weight. try doing it once a week lang tapos sa umagapagkagising after mo umihi and mag "bombs away" para alang laman tyan mo. :lol:
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    First time kong lumamon in almost 4 weeks sa isang maliit na dinner na inorganize ng mga katrabaho ko. Pinaspasan ko na lang ang mga ulam at iniwasan ang soft drinks at dessert. Perfect cheat day ang Huwebes then fast on Friday.

    Nagiging obvious na ang kalyo sa mga kamay ko. Still thinking kung kailangan ko na ba uli gumamit ng gloves. Naitapon ko nga pala iyong mga dating gloves ko.

    Nakakita rin tao na puwede kunan ng mas murang whey at supplements kumpara sa GNC. PBB price list ang pinagbabasehan ko kung mura o mahal :wink:
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    ^Bro san ka naka base? Overseas ba?
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Mighty_Oak wrote:
    ^Bro san ka naka base? Overseas ba?

    Riyadh, KSA bossing.
  • Mighty_OakMighty_Oak Posts: 3,940
    I see mahal pala supps jan.

    If its your cheat day pala just go all out. Don't mind the calories at all, eat and drink whatever you want. It will do you more good than harm.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Nakaranas ako ng early fatigue noong chest day ko while doing the inclined BP. Nasobrahan yata ako sa warm up kaya pati sa flat BP nahirapan ako. Nasumpungan ko ngayong araw ang blog/tips ni Jeff Willet about cardio, acclimation at warm up sets for Max-OT kaya iniisip ko naman kung paano ko gagawin nang tama in my own capacity :huh:

    Ngayong gabi inuna ko na rin ang weight training bago ang cardio exercise. Nagsisimula na ako ma-bore sa elliptical machine kaya balik treadmill muna... Iyon nga lang nararamdaman ko na naman ang old injury ko sa kanang tuhod :sad:
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    Wag na sir ung exercise na nas-stress ung old injury mo mas mahirap yan
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    ^ Actually sir Monching last year pa ako binigyan ng doktor ko ng go signal para tumakbo uli kasi minor lang daw ang nangyari sa tuhod ko. Medyo naipahinga ko na rin nang maging sedentary ako for ilang months. Nararamdaman ko lang iyong kirot after tumakbo o shooting some baskets pero mabilis na rin mawala.

    At dahil tumakbo ako, ayun! Puyat :sleepy: 2:30 AM na yata ako nakatulog.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Abs & shoulder day ko kagabi. Dahil wala naman talagang tricep rope sa gym, tinatamad talaga ako sa cable crunch. Hanging leg raises na lang muna siguro ang gagawin ko hanggang magkaroon ako ng tricep rope.
  • donbuhdonbuh Posts: 3,164
    tuloy lang wag kang tamarin...
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Updated lifting stats at tweaked routine.

    Akala ko hindi bumaba ang timbang ko kasi 2 magkasunod na Huwebes na may handaan. Ginawa ko na lang Huwebes ang cheat day ko pero may training pa rin at Biyernes na ang aking fasting.

    Nagawi ako sa blog ni Jeff Willet at naalala ko ang video na "I Want to Look Like That Guy". Ginagawa nga pala ang cardio exercises sa Max-OT after ng weight training kaya ganun na lang rin ang ginagawa ko. Balik treadmill kasi nagsisimula nang maging boring ang elliptical machine.

    Sinunod ko ang payo ni bossing DSmallDivide na gawing weekly na lang ang pagtitimbang. Pinakamababa kong timbang in 2008 was 165 lbs. Nasa overweight na ngayon ang aking BMI. Hindi ko alam kung kakayaning umabot sa 141 lbs. na ideal weight for my height pero sige lang :huh:
    2012-05-19%2520front%2520pbb.jpg 2012-05-19%2520side%2520pbb.jpg

    Sa wakas nakakuha rin ng murang whey supplement dito sa Riyadh. Medyo excited pa kaya naka-2 scoop ngayong gabi :lol:
    P190512_23.37.jpg

    I still have around 3 weeks bago magbakasyon sa Pinas. Sa tingin ko hindi ko magagawa ang calorie restriction paguwi ko kasi marami akong nami-miss na pagkain at gusto kong mag-enjoy kasama ang family. I'll just make sure na hindi mawawala ang training at puwede ko pang samahan si misis sa FF.

    Until next update :love:
  • patr3ckpatr3ck Posts: 185
    Good job sir, mukhang mauunahan mo pa'ko maging ripped ah.:sport:
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Thanks sir Pat. Sa ngayon di ko muna iniisip maging ripped. Importante tuloy-tuloy lang ang training ko at bawas timbang at taba muna hehe! Pagbalik ko sa Saudi sa July, seryosong muscle building na :sport:
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    yun oh! a few more pounds and malapit mo na ma break previous record mo hehe. di ba mas nakakadagdag kasi sa stress yun pag maya't maya tumitingin ka sa scale and stress is the least that we want if we want to reach our goals hehehe tyagaan lang yan kuya otep, take small steps ikanga darating ka din dun sa gusto mo marating.
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Treadmill running after calves & legs exercises... Not a good idea :lol:

    May nabasa ako na kapag nakatakbo ka pa after ng calves at legs day mo, hindi husto ang exercise mo :p
  • monching11monching11 Posts: 7,273
    ^
    hahahahah, parusa yan sir!
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    hahaha torture nga talaga yan. ako pag leg day moderate cardio lang ako and usually sa bike coz i can barely move my legs pag tinakbo ko. di mo feel mag bike kuya otep?
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Naka-5 mins. lang ako sa treadmill pero 2 mins. pa lang gusto ko na tumigil :lol: Sinundutan ko pa sa bike pero suko na talaga.

    Next time bike na lang muna :blush:
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Abs at shoulder ako kagabi. Naghahanap pa rin ako ng ipapalit sa cable crunch dahil walang tricep rope sa gym na iyon.

    Napansin ko rin simula nang uminom ako ng whey before & after ng workout, parang madalas kumakalam ang sikmura ko during the day at kahit nasa gym. Hindi naman nagbago ang food at water intake ko :huh:
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    Slight improvement lang ngayong umaga kasi bumaba ang timbang ko from 166.4 to 166 lbs. Gusto ko sana magtimbang na walang laman ang tiyan pero wala yata talaga akong "morning habit" bukod sa naghahanda ako para sa trabaho kaya nagmamadali.

    Last week ko lang isinama ang whey protein sa aking diet pero wala akong binago sa mga pagkain. I'm planning to up my cardio from 15 to 20 minutes starting today. 2 weeks to go bago ko masilayang muli ang Pilipinas :yahoo:
  • ot3pch4not3pch4n Posts: 134
    *Pagpag-agiw* :blush:

    8 weeks on Max-OT. Weight down to 165.6 lbs. this morning. Out of boredom, nagtimbang ako midweek at nasa 164.6 lbs. na ang timbang ko :blush: It must be the cheat day(s) :lol:

    One week to go bago ang bakasyon ko sa Pinas. Pinapalano na namin ni misis kung paano ko siya sasamahan sa FF para masubukan ko rin ang facilities nila.

    Until next log :sport:
  • KyzackKyzack Posts: 1,088
    balikbayan! pasalubong! :)
  • DSmallDivideDSmallDivide Posts: 4,565
    ot3pch4n wrote:
    *Pagpag-agiw* :blush:

    8 weeks on Max-OT. Weight down to 165.6 lbs. this morning. Out of boredom, nagtimbang ako midweek at nasa 164.6 lbs. na ang timbang ko :blush: It must be the cheat day(s) :lol:

    One week to go bago ang bakasyon ko sa Pinas. Pinapalano na namin ni misis kung paano ko siya sasamahan sa FF para masubukan ko rin ang facilities nila.

    Until next log :sport:


    water weight lang yan more likely koya otep. dont stress it out too much hehehe. pasalubong! :P
Sign In or Register to comment.